Monday , December 23 2024

NAIA Terminal 3 potensiyal sa security risk

MARAMING nakapuna sa napakaraming commercial establishments at advertisements ngayon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Siyempre mayroong mga natutuwa pero marami rin ang nag-iisip na mukhang sobrang dami naman.

Dahil commercial establishments, hindi lang mga pasahero ang nakapapasok, pati mga well-wishers at mga naghahatid.

Baka dumating pa ang panahon na kahit sino na  lang, kahit walang transaksiyon sa NAIA ‘e puwede nang makapasok sa mga establishments na ‘yan!?

Kung ganyan ang kondisyon, hindi kaya maging security risk ‘yang sobra-sobrang pagpapasok ng commercial establishments sa NAIA Terminal 3?

Nagtatanong lang po tayo…

Mukhang matindi ang pangangailangan ng Kamaganak Inc., kaya panay ang pagpapapasok ng commercial establishments?!

At hindi rin kaya maging dahilan ng power shortage ‘yan?

‘E mantakin n’yo naman nang mag-brownout sa airport kamakailan, prehuwisyong todo ang sinapit ng airlines at ng mga pasahero.

Hindi naman masisingil ng airline ‘yung Manila International Airport Authority (MIAA) para panagutin sila sa pagkalugi…

Lalo na nga kung ang rason ni MIAA general manager Jose Angel Honrado ‘e ‘minalas sila!’

Watafak!?

‘E paano kung maulit ‘yan?

Minalas ulit?!

Sabi nga ng mga empleyado sa NAIA — dapat patalsikin na ang mga ‘malas’ sa NAIA?!

Anti-discrimination ordinance sa Kyusi pabor sa kababaihan

MARAMI ang natuwa sa inaprubahang anti-discrimination ordinance pabor sa kababaihan sa Quezon City sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Herbert Bautista.

Sa ilalim kasi ng nasabing ordinansa, bawal sipolan, sabihan ng ‘uy ang seksi’, kindatan o kung ano mang anyo ng pambabastos na magdi-discriminate sa kababaihan.

Pero sandali, para naman kasing ‘OROCAN’ ang ordinansang ito ni Bistek.

‘E hindi ba’t talamak ang human trafficking, prostitution at exploitation sa kababaihan sa Quezon City ngayon?!

Sa Quezon at Timog Avenue na lang, ilan ang mga KTV club diyan na kilalang-kilalang may pokpokan sa sa kanilang VIP rooms?

Ang mga SPA-KOL sa Kamuning?!

Ang beerhouses at mga gay bar sa Cubao?!

Hindi ba’t nariyan ang mga tahasang pagtampalasan sa dangal ng mga kababaihan?

‘E bago tayo maniwala na mayroon ngang malasakit ang administrasyon ni Bistek sa kababaihan, ‘e ipa-raid muna niya at ipasara ‘yang mga establisyementong pokpokan!

Napakasuwerte na nga ni Bistek dahil wala siyang kalaban ngayong eleksiyon …

Pero kung may kalaban siyang mabigat-bigat, tiyak sasambulat ang mga lihim sa Pandora’s box.

‘Yun lang!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *