Friday , November 15 2024

Mayor Alfredo Lim buhay nami’y sagipin 

SADYANG hindi na mapipigilan pa mga ‘igan ang pagpapahayag ng tunay na damdamin at saloobin ng sambayanang Manilenyo!

Kaliwa’t kanan ang hinaing at daing! Iisa ang naisin at layunin, ang maibalik muli para maglingkod ang tinaguriang “Ama ng Libreng Serbisyo,” ang dating Alkalde ng Maynila, Mayor Alfredo S. Lim. 

Sa pag-ikot-ikot ng aking Pipit mga ‘igan, isang bagay lamang ang kanyang lubos na napatunayan sa kanyang sarili, ang pagkauhaw partikular ng mga pobreng Manilenyo sa mga “Libreng Serbisyong” tanging si Ka Fred Lim lamang ang tunay na makapagbabahagi sa kanila.

Sa larangan ng edukasyon mga ‘igan, hinaing at daing ngayon ng sambayanang Manilenyo ang libreng pag-aaral partikular sa Kolehiyo ng mga Kabataan.

“Ha? Libre ‘yon, lalo na noong administrasyon o panahon ni Ka Fred Lim,” sambit ng aking Pipit.

Ano kasi itong ibinulong ng aking Pipit na sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ay marami ngayong estudyante at magulang ang nagrereklamo sa pagbabayad umano ng halagang P2,495 as graduation fee ng mga magsisipagtapos?

Hindi raw pipirmahan ng accounting division ang kanilang clearance pag hindi sila nagbayad ng nasabing halaga. Aba’y paano na ang mga magulang na walang hanapbuhay, na  walang inaasahan kundi ang tunay na libreng pag–aaral hanggang makatapos ang kanilang anak? 

Sa hanapbuhay naman mga ‘igan, dagdag ng aking Pipit, sobrang pahirap ang dinanas/dinaranas ng “Manila Vendors” partikular sa mga kamay ng mga “Alipores” ni Erap! Alam kaya ni Mayor Erap ang katarantaduhang ginagawa ng kanyang mga alagad, na nakasisira sa kanyang Imahe?

Tulad umano ng mga pulis diyan sa Recto at Soler, na halos ipako na sa krus sa hirap ang mga vendors!

Hoy! mamang pulis Gugutitieerrrerezzz…

(Sus nautal pa ang aking Pipit) sobra na, tama na umano ang pagpapayaman mo…hirap na hirap na sa’yo ang mga vendor!

Paging Mayor Erap…nawa’y masampolan ang tarantadong pulis, nang hindi na pamarisan pa! 

Meralco tuldukan katarantaduhan ni Chairman

DAHIL sa pinirmahang kasunduan sa pagitan ng Meralco at ng City Government of Manila, ipinatupad ng Meralco ang kanilang Proyektong Elevated Metering Centers (EMC) na approved ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa mga Barangay ng Maynila.

Layunin ng Proyektong ito na magkaroon ng maayos at legal na koryenteng dadaloy sa bawat Barangay. Ngunit ang napakagandang layuning ito ng Meralco ay taliwas naman sa kagustuhan ng tiwaling “barangay officials.”

Tulad na lamang sa Brgy. 185 Zone 16 District II, Tondo, Manila, Chairman Alexander L. Guilas, na nahulihan na umano ng Meralco ng illegal connection” ang kanyang barangay hall at maging ang ilang pamilyang naninirahan sa kanyang barangay, ayaw suportahan ang proyektong ito ng Meralco.

Walang takot na pinipigil ang pagpapatupad ng nasabing proyekto sa kanyang barangay.

Saan ba humuhugot ng tapang ang mama? Lagi n’yang ipinagmamalaking hayop ‘este’ tao siya ni Erap! Hangga’t siya ang nakaupong Chairman ay hindi raw puwedeng galawin ang mga illegal ‘este’ legal n’yang ginagawa sa kanyang nasasakupan partikular sa usaping koryente!

He he he…Uubra kaya si Mayor Erap kay Chairman Guilas?

Abangan… 

About Johnny Balani

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *