Congratulations deserving local gov’t luminaries & awardees of Meralco
Jerry Yap
April 7, 2016
Opinion
NATUWA naman tayo na tatlong local chief executives na sinasaludohan natin ang nakabilang sa 2016 Meralco Luminaries nitong Marso 8 (2016).
Unang-una na riyan si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ikalawa si Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos at siyempre si Mayor Rey San Pedro ng City of San Jose del Monte, Bulacan.
Sabi nga ni Meralco President and CEO Oscar S. Reyes, “We are all agents of innovation and change — sustained change for a brighter Philippines and a brighter future for all.”
And yes, these three chief executives are really agents of change.
Malaking pagbabago ang isinulong nila sa kani-kanilang lungsod at naging ambag nila sa pag-unlad ng kani-kanilang lungsod.
Si Parañaque city Mayor Edwin Olivarez ay nagsulong ng makatuwiran at makatarungang koleksiyon ng buwis na malaki ang naitulong para sa mga programa at proyektong pangkalusugan, edukasyon at pabahay na pinakikinabangan ng mga mamamayan ng Parañaque.
Gayon din, tiniyak ni Olivarez ang pagpapatatag ng peace and order sa lungsod dahil sa mga napapabalitang pamamayagpag ng akyat-bahay gang sa ilang subdibisyon.
Ngayon, hindi na kailangan dumilim muna bago mapansin ang ‘luminosity’ ng lungsod dahil pirmi nang maliwanag sa pamumuno ni Mayor Edwin Olivarez.
Sa Mandaluyong, pinananatili ni Mayor Benhur ang katahimikan at kaayusan ng lungsod dahil alam naman natin na ang lungsod ay isa sa hi-end commercial and financial district sa bansa.
Narito rin ang pamosong Wack Wack, isang hi-end place not only for rich and famous but also for foreign visitors too.
Kung mayroon mang mga insidente ng krimen ay maliit na bilang dahil sa mahigpit na utos ni Mayor Benhur sa pulisya na pantalihin ang peace and order.
Sa City of San Jose del Monte na pinamumunuan naman ni Mayor Rey San Pedro, pinaniniwalaang ito ang lungsod na mag-uugnay ng kaunlaran para sa Caloocan City at sa Quezon City.
Hindi po ninyo naitatanong, bukod sa Star Mall ng mga Villar na paboritong pasyalan ngayon ng mga San Joseño, under construction sa lungsod ni Mayor Rey ang SM City CSJDM, ang theme park ng ABS CBN, at ang housing project ng Ayala.
Naroon na rin ang isang ospital na affiliated sa St. Luke’s Hospital at isa pang ospital under Ayala QualiMed.
At kung hindi rin tayo nagkakamali, uumpisahan na sa papasok na taon ang MRT 7 sa Tungkong Mangga.
Truly, the City of San Jose del Monte, under the leadership of Mayor Rey San Pedro has started to arrive to its brighter future.
Kaya naman sa constituents ng mga lungsod ng Parañaque, Mandaluyong at City of San Jose del Monte sa Bulacan, baka naman po magkamali pa kayo sa inyong isusulat sa inyong balota sa Mayo 9…
Please lang, huwag na po kayong mag-ekspiremento, doon na kayo sa genuine at subok na ninyo!
Finally, “SC Says Grace Poe Can Run” (Parang TVC lang ng Ariel…)
‘Yan po ang malaking balita kahapon.
Tuluyan nang ibinasura ng Supreme Court ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na huwag patakbuhin si Senator Grace Poe sa pinakamataas na posisyon sa bansa.
Isang malaking tagumpay ito para kay Senator Grace.
Parang nabunutan ng malaking tinik si Poe.
Tiyak na bubuhos na ‘as in’ parang ulan sa tag-araw ang mga perang ‘este’ suportang darating kay Sen. Grace matapos lumabas ang desisyong ‘yan ng Korte Suprema.
Ang obserbasyon lang natin sa Kampo ni Madam Grace, pirming nagsasabi na wala raw silang pera pero lagi namang may political ads sa tele-bisyon?!
Parehong-pareho sa kampo ni Digong Duterte.
Anyway, alam naman nating malakas at nangunguna sa mga survey si Sen. Grace.
Sana lang ay mai-convert sa boto ang pangunguna na ‘yan sa survey ng anak ni Panday at Inday.
At sana rin…kung not once but twice na may nang-agaw ng presidency, huwag naman sanang mag-THRICE dito kay Madam Grace.
Ano sa palagay ninyo, Senator Grace?!
Secret candidate daw ni PNoy si Poe?
C Grace Poe ay secret candidate n Aquino. Walang karanasan c Grace Poe sa governance, ang kursong pagka-teacher hndi sapat para mamuno sa icng bansa na ba ************ kng toto na nagtatanong cla sa mga tao. Paano naman nla naccgurado na bomoboto ang taong tinatanong nla e kino-condition lang nla ung utak ng mga tao wla ************** #+63922634 – – – –
Pumupusta ‘pag nanalo si Poe
PUSTAHAN tayo mga kababayan, ‘pag nanalo si Grace Poe lalaya ang mga bihag at mga bilanggong magnanakaw na artista, anak ng ni Jose Vela—na taga kolek ********* #+63975884 – – – –
Talamak na droga sa Molino
SIR JERRY gud pm po report q lng po talamak na drugs sa Makrol Molino. Baka po maka-tulong ang info q. Concerned lang po need po ng agarang aksiyon nkkatakot na ********** #+63933145 – – – –
Nagpapasalamat sa supporters Lim
MAGANDANG araw po sa mga taong naghahangad na muling makabalik si Mayor Fred Lim dito sa hinabag, binaboy, binusabos at patuloy na ginagahasa at patuloy d****** #+63919665 – – – –
Maraming nasuba sa proclamation rally
Ka Jerry, desmayado kaming ngpunta sa proclamation rally ni Erap. Napakapanghi at bantot ng lugar parang malaking public toilet. Bilad kami sa araw, naaambunan, namaho pa kami. Hinakot kami ng barangay at may budget daw mula sa barangayan ugnayan. 1 libo ang budget kaya sumama kami pero hindi kami boboto sa kanya. Dala na kami sa pahirap at boladas. ‘Yun hong taga-Paco at Pandacan umangal dahil nabawasan budget nila. Sobrang gutom pa inabot nila.
1 libo rin sa jeep at tricycle. Dami nilang pera ho e umpisa pa lang ‘yun kampanya. Nakakaawa kaming taga-Maynila. +63918434 – – – –
Luhaan kay Chiz?
SIR Jerry, may 2 linggo na, umuwi si Chiz sa amin sa Sorsogon. Nagpunta mga mayor s kanya para mabgyan ng pondo. Luhaan mga mayor kc tig-20 mil lng ibngay. Natmaku talaga. ‘Wag nyo labas numero ko. +63915372 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com