Friday , November 15 2024

Kidapawan massacre malaking kapalpakan

MAITUTURING na malaking kapalpakan ang naganap na masaker ng mga magsasaka sa highway ng Kidapawan City noong umaga ng Abril 1.

Sa isang video footage ng naturang karahasan, tatlong magsasaka ang nasawi, 30 iba pa ang sugatan at mahigit 80 ang nawawala.

Nagbarikada ang mga nagpoprotestang magsasaka upang humingi ng tulong sa gobyerno bunga ng sobrang gutom na kanilang dinaranas dulot ng El Ñino.

Pero naging marahas ang tugon ng puwersa ng gobyerno. Pinaulanan umano ng bala ng anti-riot police ang mga nagpoprotesta. Tama ba na bala ang isagot nila sa mga magsasaka na humihingi lamang ng bigas?

Kung magpapatupad ng pagbubuwag ang pulisya ay maaari silang gumamit ng ibang paraan tulad ng tubig mula sa trak ng bombero.

Walang dahilan para gumamit sila ng bala.

Kasunod nito ay inaresto umano ng mga pulis ang lahat ng kanilang nakita at pinagbintangang kasama sa protesta.

Maging si Danilda Fusilero, correspondent ng Davao Today online news, ay pinosasan daw ng dalawang pulis habang nasa labas ng United Methodist Church sa Kidapawan.

Samantala mula Marso 30 ay naroroon na si Fusilero para mag-cover ng balita sa barikada ng mga magsasaka.

Nasa café sa labas ng simbahan si Fusilero at kausap ang kakilalang si dating North Cotabato Vice Governor Jose “Bing” Tuburan, na tumulong sa isang magsasakang tinamaan sa dispersal.

Nang palabas na ang mamamahayag ng café kasama ang kanyang aswa na si Rolando Fusilero ay sinugod sila ng mga pulis at pinosasan.

Kahit ipinakita ni Fusilero ang kanyang press ID ay hindi naniwala ang mga pulis at sinabing kasama sila sa mga nagprotesta.

Kung hindi kinondena ni Tuburan ang mga umarestong pulis ay hindi tatanggalin ang posas sa mga Fusilero.

Hindi ba kalabisan ang ipinakitang ito ng puwersa ng gobyerno sa grupo ng mga magsasaka at ginamitan pa nila ng baril? Pati ibang tao ay ibig nilang  isama sa aresto.

Bukod sa massacre sa Hacidenda Luisita ng mga Cojuangco noong 2004, nagbalik tuloy sa alaala ng marami ang kalunos-lunos na sinapit ng mga nagpoprotestang magsasaka sa tinaguriang Mendiola massacre noong panahon ni President Cory Aquino.

Nagmarsta ang mga magsasaka sa Mendiola St., San Miguel, Maynila patungong Malakanyang pero nagkaroon din ng marahas na dispersal. Nagresulta ito sa pagkasawi ng 13 magsasaka at pagkasugat ng marami.

Ngayong termino ng anak ni Tita Cory na si President Noynoy Aquino, bakit kailangan maulit ang masaker sa mga magsasaka?    

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *