NGITI na lang daw ang isinasagot ni Matteo Guidicelli ‘pag tinatanong tungkol sa pagpapakasal nila ni Sarah Geronimo. May tsismis na engaged na umano ang dalawa at magpapakasal daw next year.
Wala pang kompirmasyon na nanggagaling sa dalawa pero marami ang nagsasabi na parehong masuwerte sina Sarah at Matteo sa isa’t isa. Isang mabuting anak at Pop Princess si Sarah samantalang si Matteo ay galing din sa disente at mayamang pamilya. Marunong ding rumespeto sa magulang ni Sarah. Bukod dito, may sariling career si Matteo na hindi naman ginagamit ang singer-actress.
Nangako rin umano si Matteo kay Sarah na magiging masaya ang pamilya nila ‘pag dumating ang panahong ikakasal na sila talaga.
Talbog!
TALBOG – Roldan Castro