Monday , December 23 2024

Isang boto ‘ko’ para kay Martin Romualdez (Para sa PWDs)

ISA tayo sa mga natuwa sa magandang balita para sa persons with disabilities (PWDs).

Ito ‘yung karagdagang benepisyo at pribelehiyo sa ilalim ng Republic Act No. 10754,  na iniakda ni senatorial candidate Martin Romualdez.

Si Romualdez ang may akda ng House Bill 1039, kasama ang counterpart nitong Senate Bill 2890 na iniakda naman ni Senator Nancy Binay ay natuwa nang pinirmahan para maging batas ni Pangulong Aquino nitong Marso 23.

Sa ilalim ng RA 10754, ang mga PWDs ay entitled na sa  discounts at exempted pa sa Value Added Tax (VAT) gaya ng benepisyong ibinibigay sa senior citizens.

Ang bagong batas, anang three-term Leyte congressman at senatorial candidate ay tagumpay ng ating mga “Filipino brothers and sisters who have disabilities.”

Taos-pusong pinasalamatan ni Romualdez ang kanyang mga kapwa mambabatas sa House of Representatives at sa Senate sa pagpasa ng panukala. Nagpasalamat rin siya sa Pangulo “for heeding our call to finally sign into law the malasakit for PWD bill despite not being a priority bill.”

Naniniwala kasi si Romualdez na ang pagbibigay ng mga benepisyo sa PWDs, “will go a long way in showing compassion for their plight and improving their living conditions.”

“With malasakit in the forefront of our lives, Filipinos will adopt a mindset that empowers the disabled and other vulnerable sectors of society instead of treating them as a burden,” paliwanag ni Romualdez.

Noong 14-anyos si Romualdez, sumulat siya ng na aklat tungkol sa persons with disabilities na pinamagatang ”To Be Themselves.”

Dahil sa malaking malasakit ni congressman soon to be senator Romualdez sa PWDs, ibibigay ko sa kanya ang aking boto!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *