Isang boto ‘ko’ para kay Martin Romualdez (Para sa PWDs)
Jerry Yap
April 3, 2016
Opinion
ISA tayo sa mga natuwa sa magandang balita para sa persons with disabilities (PWDs).
Ito ‘yung karagdagang benepisyo at pribelehiyo sa ilalim ng Republic Act No. 10754, na iniakda ni senatorial candidate Martin Romualdez.
Si Romualdez ang may akda ng House Bill 1039, kasama ang counterpart nitong Senate Bill 2890 na iniakda naman ni Senator Nancy Binay ay natuwa nang pinirmahan para maging batas ni Pangulong Aquino nitong Marso 23.
Sa ilalim ng RA 10754, ang mga PWDs ay entitled na sa discounts at exempted pa sa Value Added Tax (VAT) gaya ng benepisyong ibinibigay sa senior citizens.
Ang bagong batas, anang three-term Leyte congressman at senatorial candidate ay tagumpay ng ating mga “Filipino brothers and sisters who have disabilities.”
Taos-pusong pinasalamatan ni Romualdez ang kanyang mga kapwa mambabatas sa House of Representatives at sa Senate sa pagpasa ng panukala. Nagpasalamat rin siya sa Pangulo “for heeding our call to finally sign into law the malasakit for PWD bill despite not being a priority bill.”
Naniniwala kasi si Romualdez na ang pagbibigay ng mga benepisyo sa PWDs, “will go a long way in showing compassion for their plight and improving their living conditions.”
“With malasakit in the forefront of our lives, Filipinos will adopt a mindset that empowers the disabled and other vulnerable sectors of society instead of treating them as a burden,” paliwanag ni Romualdez.
Noong 14-anyos si Romualdez, sumulat siya ng na aklat tungkol sa persons with disabilities na pinamagatang ”To Be Themselves.”
Dahil sa malaking malasakit ni congressman soon to be senator Romualdez sa PWDs, ibibigay ko sa kanya ang aking boto!
Leila de Lima isinangkalan ni Fred Mison
UGALI na raw talaga nitong nasipang BI commissioner na si “white hair” ang magturo o magnguso sa mga ganitong pagkakataon.
Hindi lang daw ang kanyang mga dating pinagkakatiwalaang hepe ang pinagbuntunan niya ng sisi, kundi ganoon din ang kanyang one and only boss na si former DOJ Secretary Leila De Lima.
Sa kanyang pahayag sa mga artikulong lumabas sa Philippine Star at Philippine Daily Inqui-rer tungkol sa pagkakapuslit ng Korean fugitive na si Cho Seong Dae sa custody ng ISAFP sa Camp Aguinaldo, tahasang sinabi ni Miso ‘este’ Mison na ang kanyang desisyon na dalhin ang pugante sa naturang facility ay dahil na rin daw sa pag-uutos ng kanyang boss noon na si DOJ Secretary Leila De Lima!
Hindi raw siya kailanman nagdedesisyon kung wala rin lang prior approval si former SOJ!
Ganoon garapon?!
Tell that to the marines, boy!
Paano naman kaya magkaka-ideya si Madam Leila na sa ISAFP dalhin si Cho Seong Dae, ‘e kung tutuusin, puwede naman sa NBI ikulong na alam naman natin lahat na under ng DOJ.
Sino ba ang dating nanggaling sa ISAFP?
Hindi ba’t si Mison?
Patunay rito na kaya nga napuno ng mga kulisap na alagad ni Mison ang BI dahil noon pa man ay kinuha na niya ang serbisyo ng mga taga-ISAFP dahil doon nga siya nanggaling.
Kung sa tingin ninyo, maraming naniniwala sa press releases ni Mison ‘e nagkakamali siya.
Aba’y baka diyan sa mga pinagsasabi niyang ‘yan lalong lumagapak si De Lima sa kanyang senatorial bid.
Sa mga nakaaalam ng totoong kuwento sa nasabing isyu, ito lang ang masasabi natin…
IKUWENTO MO ‘YAN SA PAGONG!!!
Kudos BOC-NAIA
PINAPURIHAN ni Customs Commissioner Alberto Lina at ni EG DepComm. Ariel Nepomoceno si BOC-NAIA Customs Collector Ed Macabeo at ang ESS-NAIA sa kanilang tuloy-tuloy na pagbigo sa mga nagtatangkang magpuslit ng droga sa loob at labas ng bansa gamit ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Hindi kukulangin sa P2 milyon ang illegal droga na nasabat ng grupo ni Customs Collector Macabeo gaya ng shabu at ecstacy.
Nauna rito ang 53 grams ng shabu (methamphetamine hydrochloride) na na-trace ng customs examiners sa tulong ng customs drug sniffing dogs na nakatago sa bicycle parts patungong Saudi Arabia na ipinadala sa Federal Express habang 16 grams ng shabu a ang natagpuan sa leather shoes patungong Netherlands nitong Enero 19 & 28, 2016.
Sa Mail Distribution Center naman, mayroong papasok na parsela na mayroong dalawang plastic sachet na sinabing amino supplements pero nang busisiin ay 960 piraso ng ecstasy mula Germany, naka-consign sa isang Cavite based recipient na nagkakahalaga ng P1.440.00 milyon.
Agad ipinakompiska ni Customs Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno at nag-isyu ng Summary Decision of Forfeiture.
Iniimbestigahan pa rin ang nasabing insidente.
“We have a moral obligation to our people, we are trying to save our overseas Filipino workers (OFWs) from the hands of drug lords using our OFWs as drug couriers,” pahayag ni Lina.
Sinabi nina BOC-NAIA Customs Anti-Illegal Drugs head Lt. Sherwin Andrada at BOC-NAIA customs Police chief Capt. Reggie Tuason na ang mga nagpupuslit ng droga ay may iba’t ibang paraan pero lagi silang handa na pigilan ito.
Congratulations sa inyong lahat!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com