Saturday , November 23 2024

PO-3 Kolorum King sa NAIA Terminal 3

ISANG pulis-Kampo Crame ang naghahari-harian ngayon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 at nambabarako ng mga nakatalagang security force kapag nasisita ang mga solicitor at kolorum niyang sasakyan.

Tawagin na lang natin ang nasabing pulis-Kampo Crame na si alias PO-TRES KAMPO na kilalang-kilala sa tawag na double K as in Kolorum King.

‘Yang si PO-TRES KAMPO ay mayroong hawak na 10 kolorum na sasakyan na nag-o-operate sa NAIA T3. Pero hindi sila basta pumipila lang, para silang nasa “priority lane” na hindi puwedeng maunahan ‘e di lalo nang hindi puwedeng masingitan.

Kapag nasisita naman ng mga miyembro ng Advance security force ang kanyang mga kolorum na sasakyan ‘e agad binabarako ang mga sekyu.

Daig pa nitong si alias PO-TRES KAMPO ang mga tunay na HENERAL kung makaasik at makapambarako ng mga sekyu sa T3.

Kung mayroon Grab Taxi , itong kay PO-TRES KAMPO ‘e Grab Kolorum with matching bouncer. Huwag na huwag daw magkakamali ang mga sekyu na sitahin o palayasin ang mga kolorum na unit ni PO-TRES KAMPO dahil tiyak na mayroon silang kalalagyan.

Astigin talaga si PO-TRES KAMPO…

Alam kaya nina Manila International Airport Authority (MIAA) Assistant General Manager– Security and Emergency Services (AGM-SES) ret. Gen. Vicente Guerzon, Jr., at PNP ASG chief Gen. Boyet Balagtas na sa kanilang teritoryo ay may naghahari-hariang Kolorum King as in double K?!

Gen. Guerzon and Gen. Balagtas, mukhang kailangan ninyong sampolan ang hari ng Grab Kolorum dahil hindi lang nadudungisan ang mga pangalan ninyo bilang in-charge sa peace and order sa NAIA kundi dahil nasasalalula na ang seguridad ng isang vital installation sa bansa.

International airport po ang NAIA kaya ang pamamayagpag ng mga kolorum na sasakyan na namamasahero ay malaking banta sa seguridad ng buong instalasyon at sa mga taong opisyal, empleyado at pasahero.

Aware po ang inyong lingkod na hindi pinapayagan nina Gen. Guerzon at Gen. Balagtas ang mga gawaing gaya ng pamamayagpag ni PO-TRES KAMPO.

Aabangan po namin ang pagtataboy na gagawin ninyo kay alias PO-TRES KAMPO!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

                 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *