Friday , November 15 2024

Can not be located na nga ba si Menorca?

SADYA nga bang naglahong parang bula o nagtago sa malalim na lungga si Lowell Menorca II, tiwalag na dating ministro ng Iglesia ni Cristo?

Marami kasing nagtatanong nang hindi niya muling sinipot ang sariling pagdinig sa Court of Appeals nitong mga nakaraang linggo ng Marso.

Unang idinahilan ng kanyang abogado na “missing” pa rin daw si Menorca, na mistulang nagpapahiwatig ng paninisi na naman sa mga kaaway nila sa Iglesia Ni Cristo. ‘E hindi naman pala?!

Planado ni Menorca at kanyang pamilya na palihim na sumalisi palabas ng bansa isang araw bago ang kanyang hearing noon. Ang sabi niya ay babalik daw agad.

Nasaan!? Ewan lang natin kung nakabalik na nga?!

Sobrang tahimik na kasi ng kampo ni Menorca ngayon.

May umugong na usapan na matagal magtatago sa ibang bansa si Menorca dahil sa sala-salansang kaso na kanyang kinakaharap. Tatlong kasong libelo ang kasalukuyang nakasampa sa iba’t ibang korte laban sa kanya at may ilan pa raw na madedemanda pa.

Nakalaya si Menorca dahil nakapagpiyansa siya agad, dahil kung hindi, sa kalaboso siya magpapalipas ng oras.

Matindi rin ang bagong “adultery” case na kanyang kinakaharap. Isang dating kaibigan ang naghain ng reklamong pang-aagaw at pakikiapid sa asawa.

Noong unang nagkita umano si Menorca at ang kaibigan kasama ang asawa, isang dekada na ang nakalipas, hindi raw napigilan ng dating ministro na mapabulalas sa babae na, “Ang ganda mo naman!”

Doon na umnao nagsimula ang mala-telenobelang kalibogan ni Menorca. Lagi raw may bulaklak at rosas na regalo sa babae, at may patext-text pa.

Kahit lahat sila ay may asawa.

Tumindi ang hinala ng lalaki nang makitang umuwing may mga nakatagong sachet ng shampoo galing sa motel ang babae. Hanggang nagkabistohan na at nilayasan ng babae ang asawang lalaki kapalit ng bawal na pag-ibig nila ni manyakol ‘este Menorca.

Hindi rin itinanggi ni Menorca na kilala niya ang babae, pero biglang nagtikom ng bibig sa pagsagot sa ibang detalye ng kaso.

Ang mas makabubuti kay ‘lover boy’ Menorca lumutang muli para naman magpaliwanag sa kinasasangkutang kaso.

Tama na ang pa-cute, drama at paawa effect sa media na para siyang inaapi.

E siya naman pala itong matinding dumiskarte!?

Unti-unti nang nakikilala ang tunay na kulay at pagkatao nitong si Lowell Menorca.

Dapat pa kayang paniwalaan ang mamang ito!?

PO-3 Kolorum King sa NAIA Terminal 3

ISANG pulis-Kampo Crame ang naghahari-harian ngayon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 at nambabarako ng mga nakatalagang security force kapag nasisita ang mga solicitor at kolorum niyang sasakyan.

Tawagin na lang natin ang nasabing pulis-Kampo Crame na si alias PO-TRES KAMPO na kilalang-kilala sa tawag na double K as in Kolorum King.

‘Yang si PO-TRES KAMPO ay mayroong hawak na 10 kolorum na sasakyan na nag-o-operate sa NAIA T3. Pero hindi sila basta pumipila lang, para silang nasa “priority lane” na hindi puwedeng maunahan ‘e di lalo nang hindi puwedeng masingitan.

Kapag nasisita naman ng mga miyembro ng Advance security force ang kanyang mga kolorum na sasakyan ‘e agad binabarako ang mga sekyu.

Daig pa nitong si alias PO-TRES KAMPO ang mga tunay na HENERAL kung makaasik at makapambarako ng mga sekyu sa T3.

Kung mayroon Grab Taxi , itong kay PO-TRES KAMPO ‘e Grab Kolorum with matching bouncer. Huwag na huwag daw magkakamali ang mga sekyu na sitahin o palayasin ang mga kolorum na unit ni PO-TRES KAMPO dahil tiyak na mayroon silang kalalagyan.

Astigin talaga si PO-TRES KAMPO…

Alam kaya nina Manila International Airport Authority (MIAA) Assistant General Manager– Security and Emergency Services (AGM-SES) ret. Gen. Vicente Guerzon, Jr., at PNP ASG chief Gen. Boyet Balagtas na sa kanilang teritoryo ay may naghahari-hariang Kolorum King as in double K?!

Gen. Guerzon and Gen. Balagtas, mukhang kailangan ninyong sampolan ang hari ng Grab Kolorum dahil hindi lang nadudungisan ang mga pangalan ninyo bilang in-charge sa peace and order sa NAIA kundi dahil nasasalalula na ang seguridad ng isang vital installation sa bansa.

International airport po ang NAIA kaya ang pamamayagpag ng mga kolorum na sasakyan na namamasahero ay malaking banta sa seguridad ng buong instalasyon at sa mga taong opisyal, empleyado at pasahero.

Aware po ang inyong lingkod na hindi pinapayagan nina Gen. Guerzon at Gen. Balagtas ang mga gawaing gaya ng pamamayagpag ni PO-TRES KAMPO.

Aabangan po namin ang pagtataboy na gagawin ninyo kay alias PO-TRES KAMPO!

May tulog sila kay Mayor Lim

KA JERRY, nakasama ho ako sa motorcade ni Mayor Lim, kahit mas maraming pera mga kalaban ni Lim nakita ko ang suporta ng mga tao sa kanya. Mainit ang salubong sa kanya kahit mainit ang panahon. Sa 2nd at 3rd district ramdam pa rin na mahal nila si Lim. Nabuhay ulit ang pag-asa namin. +63916818 – – – –

May rich supporters si Du30?

SIR, sabi ni Duterte mahirap cya at walang pera e bakit santambak TV ads nila ni Cayetano? Mayayaman po ba mga supporter niya? Ngttanong lang ho. +63919446 – – – –

Mura ang bentahan ng Mighty cigarette

GOOD am po sa staff ng Hataw tabloid. Report ko lng ko po dto sa Pangasinan P262 per rim na lang ang bentahan ng Mighty cigarette sa halip na P362 per rim. +63916612 – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *