Friday , November 15 2024

Lim modelong lider – Atienza

SADYANG hindi na mapigilan mga ‘igan ang paghanga ni Buhay Party-list representative Lito Atienza kay dating alkalde ng lungsod ng Maynila Alfredo S. Lim, nang papurihan niya bilang isang napakagaling na lider at tunay na nagmamahal at kumakalinga sa mahihirap nating kababayan partikular sa Maynila.

Buti na lamang mga ‘igan at nauntog na si Mang Lito he he he at natanggap nang buong puso na si Ka Fred Lim ang tunay na “Ama ng Libreng Serbisyo.”

Matatandaang mahigpit na magkatunggali sa larangan ng politika ang Lim–Atienza. Ngunit, sa lakas ng powers ni Lim sa Maynila, itinapon niya sa kangkungan ang mag-amang Lito at Ali sa mga nakaraang eleksiyon, na ngayo’y sila pa ang nag-i-endoso kay Lim upang muling pamunuan ang Maynila. Ibinibida mismo ni Mang Lito ang magagandang programa ni Ka Fred Lim tulad ng pagpapatayo ng mga ospital, ng lying-in clinics at barangay health centers, na lahat nang ito’y libreng ibinabahagi ni Ka Fred Lim sa sambayanang Manilenyo.

Ano nga ba ang tunay na motibo ni Buhay Party-list representative Lito Atienza sa pakikipagsanib pwersa kay (former) Mayor Alfredo S. Lim at ang pag-aming sadyang napakalaking pagkakamali ang pagsuporta kay Mayor Erap Estrada? May kinalaman kaya ito sa tinatakbo ng kanyang anak na si Ali bilang bise alkalde ng Maynila sa nalalapit na eleksiyon?     

Tulad ng nasabi ko na, sa simula pa lang ay napakalakas ngang tunay ng powers ni Ka Fred Lim. Ang nakapagtataka lang ay kung anong klaseng ‘hokus-pokus’ ang nangyayari na ikinalalaglag sa eleksiyon.

Ayon sa aking Pipit, “Kung mamarapatin lamang na magkaroon ng isang malinis na eleksiyon, tinitiyak kong si Lim na at wala nang iba pa!”

Sa pagluhod ng mga tala, na pinangunahan na ni (former) Manila Mayor Lito Atienza, na siguradong susundan na ni Manila Mayor Erap Estrada, nawa’y magising na rin ang lahat sa tunay na layunin ni Ka Fred Lim na libreng serbisyo, mula sa pagsilang hanggang magpantay na ang paa ng sambayanang Manilenyo.

Ibig sabihin lamang, todo-todong serbisyo mula sa simula hanggang sa abot ng kanyang makakaya!   

Ikaw ang ligaya ko Chairman kung…

Anak ng teteng talaga itong si Brgy. 659–A Zone 71 Chairman Ligaya Santos. Aba’y igan, wala na bang gagawin ang damuho kundi bantayan ang ‘illegal terminal’ sa Plaza Lawton? Sus ginoo! Imbes asikasuhin at harapin si TN Ramos Construction and Development Corp. GM-Fin & Admin/Head IMS Maiah Angela L. Ramos, na humihingi o magre-request ng barangay clearance para sa kanilang proposed project na repainting ng various Maynilad facilities  diyan sa Arroceros St., Maynila, aba’y ayon sa ating Pipit, mga ‘igan, pinabalik-balik lang siya ng damuhong barangay kagawad, sa katwirang wala si chairman at mukhang busy sa pagbabantay sa Plaza Lawton. Aba’y trabaho muna bago kitaan he he he… Totoo ba ‘yan ‘Che?

Abangan…

About Johnny Balani

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *