Friday , November 15 2024

Basbas ni Erap kay Grace Poe bentaha o disbentaha!?

MAINIT na pinag-uusapan ngayon ang ginawang endorsement ni Erap Estrada kay Senator Grace Poe sa kanyang proclamation rally kamakalawa.

Ang proclamation rally ni Erap ay ginanap sa teritoryo ni Reyna L. Burikak, ang reyna ng illegal terminal sa Liwasang Bonifacio.

Nagulat tayo nang umaga pa lamang ay malinis na malinis ang Liwasang Bonifacio. Sarado as in closed at bantay-sarado pa ng mga lespu kasi baka makasalisi pa raw ang reyna ng illegal terminal.

Kaya pala sa likod ng tila nakangangawit na ngisi ni Reyna L. Burikak ay pagbububusa dahil apektado ang kanyang kolektong nitong buong araw ng Lunes.

Kung puwede lang daw murahin si Erap ay ginawa na ni Reyna L. Burikak pero s’yempre hindi nga puwede…

Hakhakhak!

Anyway back to issue, mukhang hindi dapat magsaya ang kampo ni Sen. Grace Poe dahil binabansagan siya ngayon ng mga kaalyado niyang progresibo na isa palang TRA-POE!

Araykupo!

Ang sabi pa ‘e, parang natakawan na raw sa endorsement si Sen. Grace at kahit walang integridad at hindi maayos ang reputasyon ay hinahayaan niyang mag-endoso sa kanya.

Alam naman ng lahat na naghahanap talaga ng kakampi si Erap.

Hindi ba’t dati ay si vice president Jejomar Binay ang ipinararamdam niyang iiendoso?

Anyare!?

Pero ngayong nararamdaman niyang tagilid ang kandidatura ng ‘mama’ hayun bigla nang inihayag ang suporta sa kanyang inaanak.

Kumbaga, pinahaba-haba pa ang pagpapaasa ‘e kay Grace rin pala mapupunta.

E alam n’yo naman si Erap, sabi nga ng kanyang mga kaalyado mismo, matulis sa pagiging segurista at matalas sa panggugulang kaya hindi pumupusta sa mabobokya.

Tsk tsk tsk…       

Ang tanong na lang nang marami, may buti bang maidudulot sa kandidatura ni Grace ang basbas ni Erap?!

O makasasama sa kanya?

Kaabang-abang pa kaya ang resulta na ‘yan?

Ewan… 

Kabit ng opisyal nakatira sa MPD HQ

Alam kaya ng tunay na asawa ng isang mataas na opisyal ng Manila Police District (MPD) na ibinahay na umano ang kanyang lovey-dovey (kabit) sa loob pa mismo ng MPD Headquarters!?

Take note NCRPO dir. Gen. Joel Pagdilao!

Kuwentohan ng mga pulis sa MPD HQ, “Kaya pala laging naka-padlock ang tanggapan ni MPD official at ang puwede lang makapasok ay si mahilig na opisyal at ang jowa n’ya.”

MPD district director Gen. Rolly Nana, alam mo ba na ginagawang mini-Casino ng kabit ng opisyal ang isang opisina riyan bitbit ang mga amiga niya na day & night sila nagsusugal!?

Pati raw mga bagitong pulis ay ginagawang waiter at look-out sa labas ng opisinang pinagsu-sugalan nila?!

Kaya ‘yung isang hepe riyan ay mistulang squatter at nagtitiis sa isang sulok. Mistula siyang palamuti sa nasabing tanggapan dahil wala siyang boses at power kaya kapag nag-utos siya ay panay lang siya senyas sa tauhan niya.

“Ka Jerry, ngayon lang sa panahon ni Nana nasasalaula nang ganito ang MPD HQ,” hinaing pa sa atin ng isang beteranong pulis-Maynila.

Anong sey kaya ni Gen. Nana sa isyung ito!?

Tupadahan ni ‘Kagawad’ sa Pasay

Largado ang tupadahan ng isang kawatan ‘este’ kagawad sa Brgy 46 Pasay city.

Ang nasabing Brgy. Kagawad na nagpapatupada ay taga-kabilang barangay.

Kaya nagtataka ang mga residente ng Brgy. 46, bakit pinapayagan ng kanilang Brgy. Chairman na si Nestor Advincula at PCP Buendia commander Maj. Edith Dulay na mamayagpag ang nasabing tupadahan kaya pati mga kabataan ay nawiwiling magsugal.

Pasay PNP chief P/SSupt. Joel Doria, ‘timbrado’ na ho ba sa inyo ang nasabing tupada-han!?

Aba’y kung hindi ‘e ipatigil at hulihin ninyo agad ‘yan!

Panawagan

NANAWAGAN ang pamilya ni PEPITO MELON FAMULARCANO 75 years old ng Carael, Botolan, Zambales sa mga nag-aalaga at nag-aaruga sa kanya na makipag-ugnayan kay Mr. Andy Escoto 09468121723.

Mabahong toilet sa NAIA T-3

MAGANDANG araw po! Nais ko sanang i-report ang mga comfort room sa NAIA terminal 3 na napakabaho at walang maayos na cleaning ang maintenance.

Empleyado ho ako ng Cebu Pacific at nahihirapan kaming mag-CR dahil sa masangsang na amoy sa CR ng NAIA t3. Especially dito sa ramp area o sa plane side.

Sa sobrang init ng araw, inom nang inom kami ng tubig, kaya lagi din kaming naiihi, ‘yon nga lang hindi namin masisikmura ang baho ng CR sa magkahalong dumi. Ang puno’t dulo nito ay kawalan ng cleaning maintenance at kawalan ng tubig. Nangangamba kami na mga nagtatrabaho dito na magkakasakit kami.

Sa kasalukuyan po ay nakasarado ang mga CR na ito dahil sa halo-halong dumi na nagkalat at masangsang na amoy. Tinatawagan ho namin ang atensiyon ni Gen. Jose Angel Honrado (general manager ng MIAA) na sana matugonan ang problemang ito. Salamat po. Please don’t publish my name for my safety and security.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *