Monday , December 23 2024

Bongbong una na sa survey (Upak nina PNoy at Chiz hindi tumalab)

HABANG nalalapit ang eleksiyon, lalong lumalakas ng boses ng mas maraming Filipino kung sino ang iboboto nilang bise presidente sa eleksiyon sa Mayo 9.

Pinatunayan ito sa survey ng Pulse Asia nitong Marso 8-13. Sa panahon na ‘yan ay kasagsagan ang paninira kay Senator Bongbong Marcos pero sa survey nakakuha siya ng 25% percent.

Naungusan nang talaga ni Bongbong si Francis ‘keso’ Escudero.

Kaya, lumalabas na siya ang pangunahing gusto ng  mga Filipino na susunod na bise presidente ng Filipinas.

Hindi na makabawi, dumausdos pa sa 24 porsiyento ang dating 26% ni Escudero.

Si Leni Robredo na ikinakampanya ni PNoy  ay nakakuha ng 20% porsiyento.

Kung hihimayin ang survey, 3% ang naidagdag sa puntos ni Bongbong, samantala si Escudero ay nabawasan ng dalawang porsiyento.

Kung kukuwentahin ang dalawang porsiyentong nabawas kay Escu-dero, malaki ang aktuwal na bilang nito.

Ibig sabihin, malaking bilang ng mga botante ang umayaw na kay Escudero.

Habang nadagdagan naman nang malaking boto si Bongbong.

‘Yan ang masaklap diyan!

Nagtulong at “in unison” pa sina PNoy at Escudero sa pag-upak kay Bongbong pero lumabas na supot ang mga banat nila dahil hindi kinagat ng mamamayang Filipino.  

Sabi nga, ang gawang masama sa kapwa ay hindi nagtatagumpay.

Sumuka man ng multi-milyon ang may maiitim na budhi bigo pa rin ang maitim nilang balak laban kay Bongbong.      

Gumastos nang halos P35 milyon ang administrasyon para sa selebrasyon ng ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power.

Ginamit ito sa pagtatayo ng expertiential museum hinggil sa mga  naganap noong panahon ng batas militar na ang pangulo ay si Ferdinand Marcos at ang pakikibaka ng mamamayang Filipino na nauwi sa EDSA 1.

Iisa ang puntirya ng P35 milyon — biguin at sirain si Bongbong bilang susunod na bise presidente ng Filipinas.

Katunayan, ginawang kampanya  ni PNoy ang pagdiriwang sa EDSA 1 nitong Pebrero 25 laban kay Bongbong gamit ang mga naganap noong panahon ng batas militar.

Pagkatapos ng pagdiriwang, hindi na tinantanan ni PNoy at ng kanyang administrasyon ang pagbabalik-tanaw sa batas-militar upang kom-binsihin ang taumbayan na huwag ihalal bilang bise presidente si Bongbong.

Sinabayan ni Escudero ang pagkakataon dahil ang paniwala niya, sagabal si Bongbong sa kanyang ambisyong maging bise presidente.

Seryoso si Escudero sa kanyang kagustuhang wasakin ang pagkatao ni Bongbong upang hindi siya maungusan ni Bongbong.

Pero sorry na lang siya dahil nabisto ang maitim na diskarte ni Chiz nang pumutok ang P70-milyong panggiba kay Bongbong.

Kung susumahin ang P70 milyon ni Chiz at ang P35 milyon ng administrasyon ni PNoy ay ginamit upang padapain si Bongbong.

Sa P70 milyon, P50 milyon umano ang napunta sa “re-affirmist” o RA sa Communist Party of the Philippines (CPP) ni Jose Ma. Sison.

Ang P20 milyon naman ay ibinigay umano sa Sanlakas, isang party-list group, na pangunahing pangkat na kalaban ng CPP at ni Sison.

Sa mga balitang ito, lumalabas na talo ang P105 milyong anti-Bongbong budget ng administrasyon ni PNoy at ni Chiz.

At nag-boomerang pa sa kanila ang kanilang maiitim na balakin.

Tsk tsk tsk…ang Karma nga naman!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *