Tuesday , November 26 2024

Lalong naging solido ang INC

MUKHANG kabaligtaran ang naging epekto nang walang tigil at planadong paninira ng ilang grupo sa Iglesia ni Cristo. Imbes humina ang simbahan, lalong lumalakas at dumarami ang tagasunod nito.

Noong isang taon pa pilit ginigiba ng grupo nila Lowell Menorca II at Isaias Samson ang INC. Nariyang nagsampa sila ng reklamong kidnapping at panggugulo laban sa liderato ng Iglesia, pero ibinasura lahat ito ng DOJ.

Sa larangang legal, wala pang naipanalo ni isang kaso ang kampo nila Menorca, kaya gawain na lang nilang magpuputak at magpapansin sa media para ipamukhang ginigipit umano sila ng Iglesia.

Kung totoo man ang mga paratang laban sa INC, matagal na dapat nag-alisang parang mga pusang nagulat ang miyembro nito. Pero ayon sa Iglesia, lumago pa ang hanay nila, halimbawa na sa bilang ng mga nag-aaral maging ministro ng simbahan. Kasalukuyang may 7,000 na bagong ministerial student na nagsasanay ng pagturo ng ebanghelyo sa College of Evangelical Ministry ng simbahan.

Dati’y nasa 2,000 lang ang bilang nila pero lumaki bigla nang umpisahang banatan sa media ang INC.

Mas nakakukuha pa ng simpatiya at suporta sa publiko ang INC ngayon. Unti-unti nang napapagod ang taumbayan sa mga kadramahan nina Menorca. Napansin na rin siguro nina Menorca ang pagbago ng ihip ng hangin dahil biglang tumakas papuntang ibang bansa at ‘di sinipot ang kasong siya mismo ang nagsampa. Hanggang ngayon ay missing in action pa rin ang dating kasapi ng INC.

Ano pa man ang personal na pananaw ng mambabasa tungkol sa Iglesia ni Cristo, ‘di maikakailang patuloy sa pagsulong. May bago silang ospital sa Quezon City. Dumarami rin ang enrolment ng tanyag na New Era University. Hindi naglalabas ng eksaktong pigura ang miyembro ang INC, pero may nakapagsasabing mas marami pa silang miyembro ngayon sa kabila ng mga pagsubok na hinaharap nito.

Mali yata ang naging “strategy” ng paninira nina Menorca. Hindi nila kayang tibagin ang Iglesia ni Cristo nang basta-basta. Lutang na naman sa mga usapin ang Iglesia dahil sa darating na eleksiyon, pero para sa ibang usapan na iyon.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *