Saturday , November 23 2024

Anibersaryo ‘KO’ na pala

KUNG petsa ang pag-uusapan, dapat ay sa Abril 5 pa ang anibersaryo ng pag-aresto sa inyong lingkod sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong mag-Lenten break po tayo sa Japan kasama ang aking pamilya.

Pero maaga po nating naalala kasi, Linggo ng Pagkabuhay (Easter Sunday) nga nang arestohin ang inyong lingkod.

Upang hindi magkaroon ng eskandalo dahil kasama nga ang aking pamilya, sumama ang inyong lingkod nang mapayapa sa mga pulis-MPD.

Pero, aware po ako na mali at labag sa itinatakda ng batas at mga kasunduan ang pag-aresto sa mga mamamahayag lalo na kung araw ng linggo.

Sa ilang taon po ng inyong lingkod sa media industry, ang madalas na asunto po ng mga mamamahayag ay libel gaya ng iniasunto sa inyong lingkod. Hindi po extortion.

Ipinagkamali pa namin na asuntong Libel sa Bicol ang ipinang-aaresto sa amin, pero maling akala pala.

Isang asuntong libel na ang pagkakaalam namin ay nasa piskalya pa. Kaya nagulat kami nang matuklasan namin na asunto ng isang pulis na biglang sumampa sa piskalya.

Sabwatan ng pulis, isang immigration official (na sabi nga ni Pete Ampoloquio ay dinapurak na ng karma), at mga ‘wannabe.’

Bahala na po kayong mag-isip kung anong klaseng ‘wannabe’ ‘yung kasabwat ng mga pulis at immigration official.

Isa po sa maagap na dumamay sa inyo ang aming mga abogado at ang aming mga staff na hindi humiwalay hanggang sa ospital at hanggang kinabukasan.

Doon na rin po tayo dinalaw ni Mayor Alfredo Lim sa Manila Doctor’s Hospital at kasama pa namin hanggang sa paglalagak ng piyansa.

Lubos po ang ating pasasalamat sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na unang nagsalita laban sa illegal na pag-aresto sa dating presidente ng National Press Club (NPC) na tahasang pag-atake sa press freedom.

Ganoon din po sa Center for Media Freedom & Responsibility (CMFR) na kinondena rin ang ginawang pag-aresto sa inyong lingkod.

Sa Bandera po at sa Philippine Daily Inquirer, sa iba pang naglabas ng insidenteng ‘yan ng pag-atake sa ating press freedom at sa mga kolumnista po nagsulat ng sinapit natin kabilang na si Madame Imee Marcos.

Malaking kabalintunaan na ang inyong lingkod ay tumutulong sa mga kasamahan natin sa media na tuwing may warrant of arrest ay ginagawaan natin ng paraan upang huwag nang makulong. Kung walang pampiyansa ay sinisikap rin po nating maalalayan.

Ginawa po natin ‘yan noong nanunungkulan tayong presidente ng National Press Club at ginagawa po natin ‘yan hanggang ngayon bilag national chairman ng Alab ng Mamamahayag (ALAM).

Pero ang ikinalungkot natin, ang mga ‘Judas Iscariote’ sa hanay ng organisasyong ating kinabibilangan.

Hindi na tumindig laban sa pag-atake sa press freedom ‘e gumawa pa ng ‘drawing’ na ‘probe’ kuno.

Hakhakhakhak! Nakasusuka!

Ano naman kaya ang pinaimbestigahan?

‘Yung hindi napatulog ang inyong lingkod sa kulungan? At ‘yung natuklasan natin na minadali ang pag-iisyu ng warrant of arrest kahit wala pang resolution?!

Huwag po kayong mag-alala dahil sinampahan na namin ng kaso ‘yung mga ‘person of authority’ na lumabag sa ating Saligang Batas nang ilegal na arestohin ang inyong lingkod.

Gumugulong na po ang katarungan laban sa mga ‘person of authority’ na ginagamit sa pang-aabuso ang kakarampot na kapangyarihang ipinahiram sa kanila ng ating Saligang Batas.

‘Yung magagaling lumusot kaya hindi nasampahan ng kaso, ipinagpasa-Diyos na po natin sila…

Bahala na ‘yung ‘lords’ ninyo sa inyo!

‘Yung mga ‘lord’ rin ninyo na ‘yan ang dadapurak sa inyo ng karma (pahiram ulit Pete A.)              

Yes, isang taon na nga po ang nakararaan, pero hanggang ngayon, hindi pa rin nakatutulog nang mahimbing ang mga nagsabwatan para gawin  sa  inyong lingkod ang nasabing pag-aresto.

Kung sino man sila, hangad natin ang kapayapaan sa kanilang paghimbing.           

Sabi nga, rest in peace.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *