Monday , December 23 2024

Mabuhay si P/Supt. Olive Sagaysay

MARAMING natuwa nang linisin ni Manila Police District – Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU) chief, P/Supt. Olive Sagaysay ang illegal terminal sa Plaza Lawton.

Napatunayan at naipamukha ni P/Supt. Sagaysay sa madla na hindi  siya  tongpats sa illegal terminal sa Plaza Lawton na ino-opereyt ni Reyna L. Burikak.

Ayon sa ating impormante, parang asong ulol ngayong nagwawala si Reyna L. Burikak dahil apektado ang kanyang nasasalok na P.2 milyon cash araw-araw mula sa mga illegal terminal at mga kolorum na van pero namamasahero araw-araw.

Ganyan-ganyan din ang ginagawa noon ni Reyna L. Burikak kapag nasasaling ang kanyang interes. Nagwawala siya sa kanyang kural sa lumang building ng Lion’s sa Arroceros St.

Dahil alam niyang illegal ang kanyang gawain, ipanapapa-padlock niya kunwari ang pintong accordion pero nandoon siya sa loob at nagkukulong.

Sumisingasing sa loob ng kural sa Lion’s na animo’y mabangis na baboy-ramo.

Nitong nakaraang Biyernes ng umaga, nawala ang mga bus na kinokotongan ni Reyna L. Burikak para makaparada (kahit ilegal) sa Plaza Lawton.

Maliwanag na nabawasan ang kita ni Reyna L. Burikak sa loob ng isang araw dahil sa paglilinis na ginawa ng MPD-TEU.

Isang P/Supt. Olive Sagaysay pala ang tatapyas sa ‘sungay’ ni Reyna L. Burikak na nagpapahirap sa maliliit na driver at kasabwat ng mga kolorum na UV van ‘operators’ sa pagmamantina ng illegal terminal sa Plaza Lawton.

Maraming, maraming salamat P/Supt. Olive Sagaysay sa kasigasigan ninyong linisin ang Plaza Lawton laban sa mga nakikinabang na illegal operator.

Namutok na ang bulsa ni Reyna L. Burikak dahil sa kuwartang kanyang nasasalok diyan sa illegal terminal sa Plaza Lawton.

Kaya nga hindi na tayo nagtataka kung bakit maging ang tumbong ni Reyna L. Burikak ay parang barkong umuutot kapag nasasaling ang kanyang illegal terminal sa Plaza Lawton.

Traffic czar, P/Supt. Olive Sagaysay, nalilinis ninyong talaga ang Plaza Lawton sa umaga pero tuwing hapon, BSDU sila as in ‘balik sa dating ugali.’

Batid nating hindi mabilis ang pagpapalayas sa mga ilegalista, pero malaking bagay na naitataboy ni P/Supt. Sagaysay ang mga sinisipsipan ng pawis at dugo habang ang iba ay ginagatasan para masustina ang mga kapritso ni Reyna L. Burikak.

Mabuhay ka P/Supt. Olive Sagaysay!

PS: Sudsurin n’yo na rin ang illegal parking sa Magallanes Drive sa Intramuros dahil pinagbibintangan rin kayo ni Reyna L. Burikak na tongpats kayo kaya hindi raw nagagalaw.

Minsan sa Mehan Garden mayroong isang pokpok at bugaw na namamayagpag

Isang beteranong manunulat ang nakahuntahan natin kamakailan kaugnay nga nitong mga illegal terminal sa Plaza Lawton.

Noong 1970s umano, ang Mehan Garden ay naging sikat sa mga beer garden at mga restaurant na tambayan ng mga bading.

Isang babae umano ang sumikat noon sa pagiging ‘hostess’ (tawag sa mga pokpok noon) at ‘di naglaon ay naging mama sang.

(‘Yan daw ‘yung panahon na ang mga bus na bumibiyahe sa Batangas ay wala pang dingding. Butas ang magkabilang gilid. Marami siguro ang pamilyar sa mga bus na ‘yan.)

Noong una, ang sarili lang daw ang ibinebenta ng babae pero dahil maagang nalaos, humantong sa pagiging bugaw.

Sa madaling sabi, ginawang kural ng hostess turned bugaw ang Mehan Garden. Diyan siya naglunoy ng kanyang kaputahan at pambubugaw.

At mukhang diyan siya pumatok. Eksperto sa pagreregalo ng mga batambatang babae sa mga opisyal ng gobyerno, sa mga piskal at hukom, ganyan kahalang ang kaluluwa ng nasabing hostess turned bugaw.

Kapag may opisyal na naghahanap ng aliw, si hostess turned bugaw ang kanilang nilalapitan.

Isa lang ang linya ng nasabing hostess turned bugaw — “Happiness ang itawag ninyo sa akin!”   

100K media payola ng Dynasty Club sa Roxas Boulevard

Ipinagmamalaki raw ng Dynasty Club na hindi sila puwedeng buligligin ng media…

Dahil mayroon daw silang inihahatag na payola.

Mayroon daw silang ‘pagador’ na binibigyan nila ng 100K para ibigay sa mga taga-media na nasa kanilang ‘blue book.’

Aray!

Bukol-bukol na naman ang media members na naisulat sa ‘blue book’ ng Dynasty Club.

Malas na lang ng mga taga-media na nasa listahan pero walang nakararating na parating.

Ayon sa ating impormante, walang mapagsidlan ng tuwa ang ‘utak’ ng Dynasty Club payola.

Kung sino man ‘yan na mahilig gumawa ng listahan na hindi alam ng mga may pangalan — TUBUAN sana ng PIGSA ang mga kanyang MUKHA!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *