USAP-USAPAN kung dumating ba talaga at nanoood si Maine Mendoza sa concert ni Alden Richards sa Ynarez Center, Antipolo.
May nagsasabi na ‘mystery girl’ ang drama ni Maine na nakasumbrero at nakasalamin na nanood. Dumaan pa umano sa backstage pagkatapos ng concert.
Video greetings lang ang napanood namin kay Maine sa kalagitnaan ng concert.
Tinanong namin ang personal assistant ni Alden na si Mama Tenten kung naroon ba talaga si Maine? ’Yun din daw ang dinig niya pero hindi raw niya nakita. Follow up question namin ay kung nagparamdam ba si Maine kay Alden na naroon siya sa concert, hindi raw.
So, mas naniniwala kami na false alarm na nanood si Maine dahil imposibleng hindi man lang ‘yun nag-text na nasa venue siya. Hindi kami kumbinsido na ‘mystery girl’ ang drama niya at ‘silent supporter’ kung totoong naroon siya kundi ‘stalker’ na buntot nang buntot na hindi alam ng taong concerned at hindi nagpa-acknowledge.
TALBOG – Roldan Castro