Monday , December 23 2024

Alyansang Grace-Bongbong unti-unting nagkakaroon ng kompirmasyon

KAPAG may usok, may apoy…

Hindi pa nagkakabisala ang kasabihang ‘yan ng matatanda.

Tinutukoy natin rito ang pumuputok na balitang nabuo na ang alyansang Grace Poe at Bongbong Marcos.

‘Yan ay sa pamamagitan umano ni Ilocos Gov. Manang Imee Marcos.

Nauna ang pagkikita nina Sen. Grace at ni Manang Imee ni vice presidential bet Sen. Bongbong nang pumunta ang Senadora sa Ilocos Norte.

At ang huling balita na mainit na pinag-uusapan ngayon sa mga coffee shop, nasundan ang pagkikita nina Sen. Grace at Manang Imee sa mismong lugar ng Senadora sa Quezon City.

Hindi tayo magtataka kung ang pinag-usapan sa dalawang pagkikita na ‘yan ay kung paanong magkakatulungan ang president at vice president sa kanilang termino pagkatapos nilang manalo sa eleksiyon. 

Alam nating hindi imposibleng mangyari ‘yan lalo’t pirming statistically tied sina Bongbong at ang isa pang vice presidential bet na si Chiz Escudero sa magkakasunod na survey ng Social Weather Stations (SWS) at Pulse Asia Survey.

Marami ang nagsasabi na maganda ang performance ni Bongbong sa kampanya kaya hindi na sorpresa kung maungusan at pakainin pa niya ng alikabok si Escudero sa mga susunod pa na survey.

Pero ang gusto nating itanong bakit may alyansang Grace at Bongbong?!

Ilang indikasyon nito ang kumakalat na Grace-Bongbong stickers.

Nakahahalata na kaya ang anak ni Panday at ni Inday na unti-unti ay may nagaganap na laglagan blues kaya kinailangan niyang humanap ng isang kakampi kahit taktikal lamang?

O unti-unting nakaklaro sa Senadora na wala naman pala talagang suporta ang palasyo kay Chiz Escudero gaya ng mga haka-haka sa coffee shops.

Noon pa man kasi ay matunog na isang gabinete ni PNoy ang talagang nagpapaandar ng kampanya ni Chiz.

Ayon sa mga haka-hakang nanggaling sa Ilog Pasig, tumataya rin umano si PNoy kay Escudero bilang pantapat kay Bongbong. Sa tantiya raw kasi ng mga bata ni PNoy, si Escudero lang ang kata-pat ni Bongbong.

Pero ngayong lumilinaw na ang tawas, sabi nga ng matatanda, mukhang stick pa rin si PNoy sa kababayang Bicolana ni Chiz na si Leni Robredo.

Patay tayo riyan!

 ‘E ano palang suporta ang inaasahan ni Escudero kay PNoy.

Kung nakipag-alyansa na si Grace kay Bongbong mukhang wala na rin makukuhang suporta si Escudero.

Mukhang ang alyansa nina Grace at Bongbong ay patunay na hindi nagtitiwala ang Senadora kay Escudero?!

Ganoon ba ‘yun!?

Hindi ba’t inakusahan na dati si Escudero na ahas at binansagang ‘Ahascudero’ dahil sa lihim na pakikipagkita niya kay Vice President Jojo Binay?!

Kasunod nito ang pagkalat ng sticker na “Bi-Chiz?”  Kaya noon pa man ay sinasabing inilaglag ni Chiz si Grace pabor kay Binay.

Naniniwala tayo na kung mayroon mang al-yansang Grace at Bongbong at kung totoo rin ang pagkikita nina Grace at Manang Imee, ‘yan ay bilang proteksiyon ng anak ni Panday at Inday sa kanyang sarili laban sa mga taong hindi dapat pagkatiwalaan gaya ni Escudero.

Tsk tsk tsk…

Dahil sa pagiging magulang at segurista, na-nganganib ngayong mawalan ng kakampi si Escudero?

Saan ngayon pupulutin ang lalaking nagsa-sabing may galing pero wala namang puso?!

‘Yan ‘yung malinaw na sinasabing “what goes around, comes around.”

Araykupo!

Nagpapakilalang aso-aso ni Laguna PD Director Gen. Ronnie Montejo asungot sa publiko

Mukhang hindi raw alam ni Laguna Provincial Director, Gen. Ronnie Montejo na mayroong isang aso-aso na nagpapanggap na isang pulis ang nakabuntot sa kanya mula sa Quezon City.

‘Yan daw si aso-aso Jessie na dating scalper sa kyusi.

Okey lang sanang sumunod kung nakatutulong para pabanguhin ang pangalan ni Gen. Montejo.

Ang siste, itong si Jesse na pirming may sukbit na baril, ay walang ginawa kundi mag-ikot sa mga perya, sa bookies sa lalawigan ng Laguna para ipanghingi ng tara si Gen. Montejo.

Bukod sa sukbit na baril, mayroon pang apat na bodyguard si Jesse A., as in asungot.

Laguna PD Gen. Ronnie Montejo, hindi pa ba sumasakit ang ulo mo sa sandamakamk na bukol na inihahataw sa iyo ni Jesse Asungot?!

Bakit hindi kastiguhin ‘yang si Jesse Asungot saka ibalik sa Kyusi at doon na lang siya maghasik ng kanyang kagagohan at hindi sa Laguna?!

Kapal-kapal mo aso-aso Asungot!

Mag-ingat sa mga holdaper na umaatake sa mga kolorum sa Lawton

BOSS JERRY, ‘yang mga kolorum sa Lawton, madalas na nabibiktima ng mga holdaper, kawawa naman ang mga estudyante at iba pang pasahero na nabibiktima riyan . Paging MPD!  +63935775 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *