Monday , December 23 2024

Ang kahirapan sa ‘Laylayan ng Lipunan’ nakita ni Leni sa mga mangingisda at magsasaka

SA isang interbyu sa radio, sinabi ni congresswoman Leni Robredo, na nakita niya ang kahirapan sa ‘laylayan ng lipunan’ sa buhay ng mga magsasaka at mangingisda.

Ilang beses umano siyang sumakay sa habal-habal kahit noong buntis siya, dahil walang ibang means of transportation kundi ‘yun lamang.

Sumasakay siya sa habal-habal para makarating sa kanyang destinasyon sa malalayong probinsiya, kung saan niya nakita at nagkaroon ng realisasyon kung ano nang kahirapan sa ‘laylayan ng lipunan.’

Mayroon din daw pagkakataon na natutulog siya sa bangka ng mga mangingisda kasi wala silang ibang masisilungan. Pero kapag mamamalakaya na ang mga mangingisda, kahit ala-una pa lang ng madaling araw,  obligado silang gumising at humanap na ng pupuntahan. Kapag magsasaka naman daw ang pinupuntahan nila, natutulog sila sa mga kubong walang dingding sa gitna ng bukid.

Ganoon daw pala ang ibig sabihin ng kahirapan sa laylayan ng lipunan.

Siguro doon nakita ni vice presidential candidate Rep. Leni, na higit na mapalad siya na kahit buntis siya at natutulog sa bangka o kubong walang bubong sa loob ng apat na araw, ay mayroong mahihirap na kababayan na nasa ganoong kalagayan sa mahabang panahon ng kanilang buhay.

Doon din siguro nagkaroon ng realisasyon si Congw. Leni na kung nakayanan niyang makapagtapos ng abogasiya, marami tayong mga kababayan sa malalayong probinsiya na hindi man lang naipasisilip sa mga anak nila kahit na ang bubungan ng mga paaralan.

At kapag may nagkakasakit, hindi pipiliting maitakbo sa ospital hangga’t hindi dumaraing ng sobrang sakit o kaya ay ‘yung tipong hindi na makahinga ang pasyente.

Na-realize din siguro ni Madam Leni na mapalad ang kanyang mga anak dahil nakapag-aaral sa mga pretihiyosong paaralan kompara sa mga anak ng mga mangingisda at magsasaka na kanyang napupuntahan sa mga lugar na sinasabi niya nasa laylayan ng lipunan.

Mapalad si Madam Leni na nagkaroon siya ng mga ganyang realisasyon na siguro ay nagagamit niya sa pakikipag-usap sa ating mga kababayan.

Sana ay maging salalayan ni Madam Leni ang mga karanasan na ‘yan sa paglilingkod sa sambayanan.

Kung hindi man nawawala sa kanyang isip ang habal-habal, pagtulog sa bangka at kubong walang dingding, sana ay hindi rin mawala sa kanyang isipan na mayroon  tayong mga kababayan na ganoon ang kalagayan sa habambuhay.

Ano man ang kanyang masungkit na posisyon, nawa’y hindi magbago si Ma’am Lenis a pagkalinga sa mahihirap na kababayan.

Bagitong lespu VK operator sa Pandacan

Isang bagitong pulis ng Manila Police District ang sumisikat ngayon bilang maintainer ng mga video karera “DEVIL “ machine sa Pandacan, Maynila.

Itinuturo ang isang alias P01 TAGA-LAGA ng MPD Beata Police Community Precint Police Station # 10 ng mga residenteng nasasakupan ng nabanggit na PCP na may palatag ng mga VK machine .

Ito raw ang isa sa dahilan kung bakit daw hinagisan ng granada ang Pandacan police station dahil sa agawan sa teritoryo sa latagan ng video karera ni PO1 VK Taga-laga.

Nagpapakilalang enkargado raw ng Beata PCP si alias P01 Taga-laga kaya ilang kapwa pulis niya ang nawalan ng delihensiya matapos kompiskahin ang kanilang mga makina.

P/Supt. Leonardo, totoo ba ang usap-usapan na mula nang ikaw ay maupong hepe ng Pandacan Police Station 10, wala nang puwedeng maghanapbuhay ng illegal na video karera machine kundi si alias P01 Taga-laga na lang!?

Untouchable rin daw sa  MPD-District Special Operation Unit (DSOU ) at District Police Intellegence Unit (DPIOU ) at sa MPD General Assignment Section ang illegal na video karera machine ni alias Taga-laga .

Paging NCRPO RD Gen. Joel Pagdilao!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *