MULING pinagtibay ng Korte Suprema ang naunang desisyon na nag-aatas sa Commission on Elections (Comelec) na kailangan nilang mag-imprenta ng voter’s receipt para sa eleksiyon sa Mayo 9.
Pinagtibay ito ng Comelec sa botong 12-0 (ang sinundan ay 14-0), ito’y makaraan ang oral argument kamakalawa ng umaga dahil sa inihaing motion for reconsideration ng Comelec.
Pero sa kabila nito, patuloy na nagpapahiging ang Comelec na magpapahaba ng voting hours ang pag-iisyu ng resibo at posible rin daw na hindi matuloy sa Mayo 9 ang eleksiyon, ayon naman sa isang Comelec commissioner.
‘E ano ba talaga, Chairman Andres Bautista?!

Nagkakaroon tuloy ng kaguluhan sa hanay ng mamamayan habang ang ibang political group ay nag-iisip na mayroong nilulutong senaryo ang administrasyon.
Kung hindi ‘firm’ sa kanilang mga desisyon ang Palasyo, dapat magpakita ng mahusay at matigas na pagdedesisyon ang Comelec.
Baka nalilimutan ni Chairman Bautista na siya ang may hawak ng ‘timon’ ngayon.
Sa kanya nakatuon ang mata ng buong bansa at hindi maaari ‘yang mga baka-baka at patawing-tawing na pagdedesisyon.
Kung magiging salawahan kasi sa pag-dedesisyon ang Comelec, madaling masasamantala ng mga grupong may masamang intensiyon sa nalalapit na eleksiyon ang tila ‘malambot na ilong’ ni Chairman Andres.
‘E ano ba talaga Chairman Andres, kaya ba ninyong mag-isyu ng resibo? Kaya ba ninyong gawin ang eleksiyon sa Mayo 9?!
Chairman, hindi lang naman paguwapohan ang eleksiyon, mas importante riyan na mayroon kang yagbols!
P35K KADA ULO SALYAHAN SA CIA

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com