Saturday , November 23 2024

Minalas si Immigration Officer Delas Alas

NITONG isang linggo, apat (4) na namang overseas Filipino workers (OFWs) bound for Middle East ang  nasakote ng matitinong miyembro ng Travel Control Enforcement Unit (TCEU) sa airport.

Silang apat ay napag-alaman na puro walang Oversesas Employment Contract (OEC) na karaniwang hinahanap sa isang OFW bago lumabas ng bansa.

Sa kabila ng kakulangan sa kanilang mga dokumento, nagawa pa rin palusutin at tatakan ng isang IO Delas Malas ‘este’ Delas Alas pala ang kanilang pasaporte!

Nalaman ng inyong lingkod na nai-turn-over na sa IACAT ang lahat ng mga pasahero at ngayon ay kasalukuyang naghahanda ng kasong “human trafficking” laban sa nagtatak na Immigration Officer.

Paktay kang matanda ka!

Balita natin marami raw yatang asar kay I/O Delas Alat ‘este’ Delas Alas dahil kilala raw na mataray pagdating sa mga pasahero pati na sa mga kasamahang Immigrtaion Officer.

Kaya tuloy, imbes makisimpatiya sila sa inabot na salto nitong si Delas Malas ‘ay mali na naman’ Delas Alas ay welcome development daw ito para sa kanila?!

BI Commissioner Ronaldo Geron, tila po talamak na naman ang problema ng palusutan ngayon sa tatlong malalaking airport ng NAIA. Hindi po kaya oras na para kastigohin ninyo ang mga pasaway ninyong tauhan riyan bago pa marungisan ang inyong pangalan na matagal rin ninyong inalagaan?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *