MABUTI’T hindi umandar ang init ng ulo ni Tom Rodriguez sa pang-aaway umano sa kanya ni Baron Geisler sa Viber group ng mga taga-showbiz. Grabe umano ang masasakit na salita na ibinato ni Baron sa Viber nang magbigay ng opinyon si Tom. Pinuri tuloy si Tom sa pagiging kalmado.
Instead na ang pag-usapan nilang topic ay ang tamang oras sa taping at shooting, napunta umano sa reaksIyon ni Baron. May nagtanong pa raw kung lasing ba ito?
Deadma naman si Tom sa patutsada ni Baron. Pero ewan lang kung mako-control ni Tom ang sarili niya ‘pag nakita sa personal si Baron.
TALBOG – Roldan Castro