Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga illegal sa Lawton bubusisiin

NAMATAAN ng aking Pipit mga ‘igan ang napakalawak na illegal terminal at ang mga nagkalat na illegal vendors diyan sa Lawton, Lungsod ng Maynila.

Nakakasulasok ang amoy! Napakarumi ng kapaligiran! Magkakasakit ka rito ng ‘di oras, tumayo ka lamang ng kahit na ilang minuto!

Sus ginoo!

Talaga namang nakakamatay ang amoy! Papaanong hindi ‘yan mangyayari, ang nasabing lugar, ay illegal na ginagamit sa pagpapayaman ng ilang tiwaling ‘public servants’ ay wala man lamang comfort rooms.

So, saan iihi ang mga taong naririyan sa buong maghapon? E di sa tabi–tabi lang, ‘di ba? Or kung saan–saan lang abutan! At kung pagsasama–samahin mo ang lahat ng dumi… ay sus…masusuka nang todo–todo!

Yak!

Pero teka, magkanong dahilan ba at hindi matanggal-tanggal ang mga illegal na gawain diyan sa Lawton, partikular sa kabuuang Plaza ng Lawton?

Sa pakiramdam ng aking Pipit, mga ‘igan, talagang walang takot kung magkikilos ang mga animal! ‘Yung tipong may pinaghuhugutan.

Kanino kaya humuhugot ng tapang ang mga animal na ‘yan? Mantakin ninyong matapang pumarada at kumukuha ng mga pasahero. Maging ang mga vendor na alam nilang bawal, pero malakas ang loob na nakapagtitinda!

Nakakapagtaka talaga ‘igan! Malakas ang hugot!

He he he…

Aba’y teka, sino-sino kayang animal ang nasa likod ng maling pamamalakad sa Lawton, partikular ang talamak na illegal terminal at illegal vendors?

Pssssst…may taga-city hall kayang kasabwat diyan?

Ikaw, Mamang Pulis, alam ba ni General Nana ang pakikipagsabwatan mo sa katarantaduhang ‘yan?

Ang matindi rito mga ‘igan, gaya nga ng tanong ng aking Pipit, anong ginagawa ng barangay officials (may barangay ba diyan?) sa mga katiwaliang nagaganap?

Magkano?!

Dalawang basurang politiko

SIR JOHNNY, tunay na pagdating sa tamang paglilingkod at pagiging matinong tao at leader wala nang makatutulad pa kay Mayor Fred Lim, na talagang isang kayamanan ng ating Lipunan.

Kaya madali lang ang magiging pagpili ng leader dito sa Lungsod ng Maynila, na patuloy na binababoy ni “Erap Estrada.” Dalawang basurang politiko at mga magnanakaw na katulad nila “Erap Estrada at “Amado ‘kabayo’ Bagatsing,” na talagang mga salot ng ating lipunan! Salamat po at more power Mr. Johnny! — Donald, from Tondo, Manila. – 09196654545.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Johnny Balani

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …