Monday , December 23 2024

Kim Wong nakalusot sa BI sa NAIA T2, Dequito at pamilya pinababa pa sa eroplano?!

NAKASIBAT na pala ang kontrobersiyal na si Kim Wong palabas ng bansa.

Iba talaga kapag may ‘right konek.’

Kahit mainit na ang pangalan ni Kim Wong kaugnay ng ‘ninakaw’ na US$81-milyon sa Bangladesh Bank at natagpuan sa RCBC Jupiter-Makati branch, nagawa pa rin niyang makapuslit agad palabas ng bansa.

Nakapuslit lang ba o pinapuslit ng mga taga-Bureau of Immigration (BI) sa NAIA si Kim Wong?!

Hindi gaya ng RCBC branch manager na si Maia Santos Deguito, hinabol ng mga taga-Immigration at sapilitan pang pinababa sa kanilang eroplano.

Si Kim Wong, nagpapakilalang negosyante, ay isa sa anim na mangangalakal na dapat isailalim sa imbestigasyon dahil sa money laundering.

Pero mukhang matalas talaga ang pang-amoy ni Kim Wong, kaya nitong Marso 4, dakong 6pm, sumalipawpaw sa PAL PR 300 patungong Hong Kong.

Sa totoo lang, si Kim Wong ay madalas na nakikita ng inyong lingkod sa NAIA Terminal 2 na may kasamang Chinese nationals at may umaalalay pang Immigration officers.

Maraming kakilala si Kim Wong sa BI, halos lahat yata ay kabatian niya. Ayon sa ilang taga-BI, ang mga sinusundo raw ni Kim Wong ay Chinese nationals na magtatrabaho sa kanyang mga kompanya at mga casino players.

Kaya kahit wala pang working visa ay naipapasok niya sa bansa. Binibigyan niya ng working visa sa pamamagitan ng kanyang (mga) kompanya sa CEZA.

Ang ipinagtataka lang natin dito, matapos pumasok sa NAIA, wala nang report kung ano na ang nangyari sa Chinese nationals na pinapapasok ni Kim Wong sa bansa?!

Kung sinasabi niyang nagtatrabaho sa kanyang mga kompanya, anong mga trabaho at hanggang kailan?! Kusinero ba ‘yang mga ‘yan sa kanyang restaurant?!

O baka naman kung ano na ang ‘niluluto’ at tinitimpla ng mga ‘yan?!

By the way, kilala kaya ni Immigration supervisor Mr. Rico Pedrealba ng BI-NAIA terminal 2 si Kim Wong?!

Will you please refresh your memory, Mr. Pedrealba?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *