Monday , December 23 2024

Kim Wong nakalusot sa BI sa NAIA T2, Dequito at pamilya pinababa pa sa eroplano?!

NAKASIBAT na pala ang kontrobersiyal na si Kim Wong palabas ng bansa.

Iba talaga kapag may ‘right konek.’

Kahit mainit na ang pangalan ni Kim Wong kaugnay ng ‘ninakaw’ na US$81-milyon sa Bangladesh Bank at natagpuan sa RCBC Jupiter-Makati branch, nagawa pa rin niyang makapuslit agad palabas ng bansa.

Nakapuslit lang ba o pinapuslit ng mga taga-Bureau of Immigration (BI) sa NAIA si Kim Wong?!

Hindi gaya ng RCBC branch manager na si Maia Santos Deguito, hinabol ng mga taga-Immigration at sapilitan pang pinababa sa kanilang eroplano.

Si Kim Wong, nagpapakilalang negosyante, ay isa sa anim na mangangalakal na dapat isailalim sa imbestigasyon dahil sa money laundering.

Pero mukhang matalas talaga ang pang-amoy ni Kim Wong, kaya nitong Marso 4, dakong 6pm, sumalipawpaw sa PAL PR 300 patungong Hong Kong.

Sa totoo lang, si Kim Wong ay madalas na nakikita ng inyong lingkod sa NAIA Terminal 2 na may kasamang Chinese nationals at may umaalalay pang Immigration officers.

Maraming kakilala si Kim Wong sa BI, halos lahat yata ay kabatian niya. Ayon sa ilang taga-BI, ang mga sinusundo raw ni Kim Wong ay Chinese nationals na magtatrabaho sa kanyang mga kompanya at mga casino players.

Kaya kahit wala pang working visa ay naipapasok niya sa bansa. Binibigyan niya ng working visa sa pamamagitan ng kanyang (mga) kompanya sa CEZA.

Ang ipinagtataka lang natin dito, matapos pumasok sa NAIA, wala nang report kung ano na ang nangyari sa Chinese nationals na pinapapasok ni Kim Wong sa bansa?!

Kung sinasabi niyang nagtatrabaho sa kanyang mga kompanya, anong mga trabaho at hanggang kailan?! Kusinero ba ‘yang mga ‘yan sa kanyang restaurant?!

O baka naman kung ano na ang ‘niluluto’ at tinitimpla ng mga ‘yan?!

By the way, kilala kaya ni Immigration supervisor Mr. Rico Pedrealba ng BI-NAIA terminal 2 si Kim Wong?!

Will you please refresh your memory, Mr. Pedrealba?!

Advance Security & Watchman Agency palpak sa NAIA!

ATRASADO hindi advance ang serbisyo ng Advance Security & Watchman Agency sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Mula sa dating walong-oras na trabaho, inireklamo ng mga security guard na halos 24-oras na silang nagdu-duty sa NAIA T3 dahil kulang ang tao ng Advance Security.

Resulta, para tuloy silang mga kuwago na papikit- pikit sa duty post nila?!

Wattapak!?

Nagulat talaga ang inyong lingkod.

Kung 24-oras nang nagdu-duty ang mga sekyu sa NAIA, aba’y delikado na ‘yan!

Pumapayag ba ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa ganyang klase ng sistema?!

Baka nalilimutan ng tatay ni Sen. Bam Aquino, hindi natatapos ang tungkulin ng security agency sa pagkubra lang ng kabayaran sa kontrata.

Mayroon tungkulin ang Advance Security na tiyakin ang seguridad sa buong NAIA.

Vital installation ang airports kaya hindi puwedeng sa loob ng 24-oras ay pinagbabantay ang isang guwardiya.

Ano ‘yan, robot?

Paano ba nagpapahinga ‘yang mga guwardiya na ‘yan?!

Mr. Paul Aquino, Sir, akala namin ‘e advance talaga ang serbisyo ng security agency ninyo, ‘e parang lumalabas, atrasado na, parang raket pa.

Puwede bang ayusin ninyo ‘yang ‘security manning’ ninyo sa NAIA T3!

Huwag ninyo hintayin na may masama pang mangyari sa NAIA.

Please lang!

Airport employees wala nang benepisyo delay pa ang suweldo

SIR JERRY, ano ba itong nangyayari sa amin dto sa airport. Hndi n naibgay CNA at anversary bonus laging late pa sweldo. Buti pa LBP employees 2 days before ng sweldo (15/30) nakuha na nila. Concerned airport employee. Pls don’t publish my no. +63918582 – – – –

Mag-ingat sa Lawton Illegal Terminal operator

KA JERRY, ingat lang ho sa banat dyan sa iligal terminal ni mommy sa Lawton. Murderer ho ‘yan. May ipinapatay na pulis at civilian yan. Maswerte lang at nakalusot sya dahil may pera. Daming nalokong brgy chairman yan noon panahon ni Lim. Nabola nya na malakas cya kay mayor Lim. Pero cya lng ang nakikinabang. Napakawalanghiya nya! +63915637 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *