Saturday , December 28 2024

VP Jejomar Binay kinakalambre na kay Sen. Grace Poe?!

MUKHANG may dahilan na talaga para nerbiyosin si Vice President Jejomar “Jojo” Binay sa ‘pulot’ na si Senator Grace Poe.

Sa pinakahuling survey na ginawa ng Social Weather Station (SWS) may petsang Marso 4-7, 2016, nalamangan ng Senadora ang bise presidente ng tatlong (3) porsiyento.

Nakakuha si Sen. Poe ng 27% habang 24% naman si VP Binay. Nakasunod sa kanila si Roxas sa 22% at 21% si Duterte. Nasa huli sa 4% si Sen. Miriam.

Kung tutuusin, napakababa na ng nakuhang rating ni VP Binay.

Noong una kasing magdeklara si VP Binay na tatakbo siyang presidente, halos 70% ang nakukuha niyang approval ratings.

Kaya itong 24% na ito ay nakanenerbiyos na kung babagsak pa.

Totoong mas organisado ang organisasyon ni UNA VP Binay kay Sen. Grace, pero sabi nga, lumilikha ng bandwagon ang popularidad ng babaeng senador.

Ang bandwagon ay espontanyo. Ibig sabihin natural na clamor mula sa mamamayan.

Mukhang nakadagdag nang husto sa popularidad ni Poe ang desisyon ng Korte Suprema, ‘di ba?

Ang kuwestiyon lang dito, botante bang lahat ang lumilikha ng bandwagon ni Sen. Grace?!

Kaya malinaw na ang magiging labanan ngayon ay organisadong puwersa laban sa espontanyong puwersa equals rehistradong boto.

Sa susunod na buwan, alam nating mas magiging maigting ang kampanya ng bawat kampo dahil malapit na malapit na ang araw ng paghuhukom.

Hahatulan na ng mga botante ang mga kandidatong nanunuyo, nambobola, nananakot at namamakyaw ng boto.

Kung ano man ang kahinatnan ng laban nina VP Binay at Sen. Grace — bayang botante lamang ang nakaaalam.

At ‘yan ang ating babantayan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *