Saturday , December 28 2024

Oportunista talaga si Chiz

WA CLASS talaga kapag oportunista.

Lusaw na lusaw ang delicadeza kay Senator Chiz Escudero.

Nitong nakaraang Martes, nagbunyi ang kampo ni presidential candidate Senator Grace Poe nang ideklara ng Supreme Court na maaari siyang tumakbong pangulo ng bansa.

Ibig sabihin, ibinasura ng Korte Suprema ang desisyon ng Commission on Elections (Cemelec) na i-disqualify si Sen. Grace sa kanyang kandidatura bilang pangulo ng bansa.

Hindi lang ibinasura, pinagsabihan pa ng SC ang Comelec na may pag-abuso sa kanilang diskresyon nang katigan ang mga petitioner na humahadlang sa kandidatura ng anak ni Inday at ni Panday.

Pero sa pagbubunyi ng kampo ni Sen. Grace ay tila may nagnanaknak at nakatagong inggit sa isang bahagi ng puso ng kanyang tandem…

Subjective ba ang inyong lingkod sa palagay na ito?!

Sa palagay natin ay hindi.

Sa gitna ng pagbubunyi ng mga tao sa tagumpay ni Senator Grace, biglang sumingit at nagsalita ang “I Specialist” sa kanyang kampo.

Kung  gentleman at may delicadeza si  Chiz, hahayaan niya  ang pagkakataong iyon para magsalita si Senator Grace at namnamin ang tagumpay laban sa mga petitioner.

Pero mukhang hindi nakatiis si Chiz at umiral ang kanyang pagiging “I Specialist.”

Mabilis pa sa alas-kuwatro na naglabas ng pahayag sa media ang kampo ni Chiz – ang tagumpay umano ni Grace ay tagumpay ng taumbayan.

Bravo!                  

Noong tigmak ng disqualification cases si Sen. Grace, tahimik pa si Eternal Garden si Chiz.

Nananantiya at nangangapa. Ninerbiyos na baka madamay sa disqua-lification petitions kapag ipinagtanggol si Sen. Grace.

Pero ngayong kinatigan na ng Supreme Court, mabilis na nakapaghayag ng suporta si Chiz.

Alam niya kasing lilikha ito ng bandwagon sa kandidatura ng babaeng senador na tinalikuran na ng ibang supporters at ‘kakampi’ nang matadtad nang disqualification cases.

Hindi ba’t kabilang rin si Chiz sa nanlamig?!

Sa tagumpay ni Sen. Grace sa Supreme Court, alam na alam ni Chiz, tataas na naman ang kanyang ratings sa survey.

Sabi nga ni Chiz, “Hindi lang si Sen. Grace ang makikinabang sa desis-yong ito, kundi ang milyon-milyong mga botante na binigyan ng karapatang magdesisyon kung sino ang mamumuno sa kanila sa susunod na anim na taon. Kanila ang karapatang ito, kaya nagpapasalamat ako sa SC dahil hindi nila ipinagkait ang karapatang ito.”

Pero sa totoo lang, alam na alam ni Chiz na mas may malaking pakinabang siya sa desisyon ng SC pabor kay Senator Grace.

At sa pagkakataong ito, klarong-klaro, litaw na litaw ang pagiging oportunista ni Chiz.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *