Friday , November 15 2024

Oportunista talaga si Chiz

WA CLASS talaga kapag oportunista.

Lusaw na lusaw ang delicadeza kay Senator Chiz Escudero.

Nitong nakaraang Martes, nagbunyi ang kampo ni presidential candidate Senator Grace Poe nang ideklara ng Supreme Court na maaari siyang tumakbong pangulo ng bansa.

Ibig sabihin, ibinasura ng Korte Suprema ang desisyon ng Commission on Elections (Cemelec) na i-disqualify si Sen. Grace sa kanyang kandidatura bilang pangulo ng bansa.

Hindi lang ibinasura, pinagsabihan pa ng SC ang Comelec na may pag-abuso sa kanilang diskresyon nang katigan ang mga petitioner na humahadlang sa kandidatura ng anak ni Inday at ni Panday.

Pero sa pagbubunyi ng kampo ni Sen. Grace ay tila may nagnanaknak at nakatagong inggit sa isang bahagi ng puso ng kanyang tandem…

Subjective ba ang inyong lingkod sa palagay na ito?!

Sa palagay natin ay hindi.

Sa gitna ng pagbubunyi ng mga tao sa tagumpay ni Senator Grace, biglang sumingit at nagsalita ang “I Specialist” sa kanyang kampo.

Kung  gentleman at may delicadeza si  Chiz, hahayaan niya  ang pagkakataong iyon para magsalita si Senator Grace at namnamin ang tagumpay laban sa mga petitioner.

Pero mukhang hindi nakatiis si Chiz at umiral ang kanyang pagiging “I Specialist.”

Mabilis pa sa alas-kuwatro na naglabas ng pahayag sa media ang kampo ni Chiz – ang tagumpay umano ni Grace ay tagumpay ng taumbayan.

Bravo!                  

Noong tigmak ng disqualification cases si Sen. Grace, tahimik pa si Eternal Garden si Chiz.

Nananantiya at nangangapa. Ninerbiyos na baka madamay sa disqua-lification petitions kapag ipinagtanggol si Sen. Grace.

Pero ngayong kinatigan na ng Supreme Court, mabilis na nakapaghayag ng suporta si Chiz.

Alam niya kasing lilikha ito ng bandwagon sa kandidatura ng babaeng senador na tinalikuran na ng ibang supporters at ‘kakampi’ nang matadtad nang disqualification cases.

Hindi ba’t kabilang rin si Chiz sa nanlamig?!

Sa tagumpay ni Sen. Grace sa Supreme Court, alam na alam ni Chiz, tataas na naman ang kanyang ratings sa survey.

Sabi nga ni Chiz, “Hindi lang si Sen. Grace ang makikinabang sa desis-yong ito, kundi ang milyon-milyong mga botante na binigyan ng karapatang magdesisyon kung sino ang mamumuno sa kanila sa susunod na anim na taon. Kanila ang karapatang ito, kaya nagpapasalamat ako sa SC dahil hindi nila ipinagkait ang karapatang ito.”

Pero sa totoo lang, alam na alam ni Chiz na mas may malaking pakinabang siya sa desisyon ng SC pabor kay Senator Grace.

At sa pagkakataong ito, klarong-klaro, litaw na litaw ang pagiging oportunista ni Chiz.

Manila Mayor’s office ipinamamalita ni Reyna L. Burikak na nakikinabang sa illegal terminal sa Lawton!?

HINDI raw kinakabog ang dibdib ng reyna ng illegal terminal diyan sa Lawton na si Reyna L. Burikak.

Kahit salingin nang salingin ng inyong lingkod ang pinagsasalukan niya nang hindi kukulangin sa P.2 milyon cash araw-araw, hindi raw siya maaapektohan.

Ang press release niya kasi, utos daw ng amo niya sa city hall dahil kailangan ng pondo para sa eleksiyon.

Para kanino!?

Kaya naman parang matsurang bulldog ang kanyang pisngi kapag bumabalatay ang ngisi.

Ang tanong: totoo ba ang balitang ‘yan Mayor Erap?!

Matagal nang ipinagmamalaki ni Reyna L. Burikak na ayos na ayos sa kanya ang MMDA, MPD at Manila City Hall kaya hindi raw napapakialaman ang illegal terminal sa Lawton.

Diyan din umano sa Lawton, inaayos ang ‘lagom’ para sa mga hatagan at tongpats.

Hatag sa lespu, sa MMDA, sa City Hall at sa kanyang espasyo sa diyaryo.

Sabi nga ng mga inatraso at inagrabyado nitong si Reyna L. Burikak, sayang daw at hindi pa pang-obituary ang espasyong binabayaran niya sa diyaryo.

Ewan natin kung ano tawag sa ‘paid space’ na ‘yun. Protection racket ba?!

Sabi naman ng isang kabulabog natin, “Masamang damo ‘yan kaya hindi pa mao-obit, baka pang-orbit lalo na para sa dalawang tagasulat niya na sina Sungay at Nguso.”

Hikhikhik!

Bitter na bitter ang mga ‘tagahimod’ ng singit ni Reyna L. Burikak

HINDI alam nitong si Reyna L. Burikak ng illegal terminal sa Lawton, sinasadyang gatungan ng kanyang mga ‘multong tagasalsal’ ang kanyang ‘tambutso’ laban sa inyong lingkod.

Siyempre, habang nagagalit si Reyna L. Burikak lalong nangangailangan ng mga katulad nila — mga ‘multong tagasalsal.’

Ito kasing ‘multong tagasalsal’ ni Reyna L. Burikak, naiinggit sa mga publisher na hindi nagbi-beat, partikular sa inyong lingkod.

‘E publisher nga, kailangan bang mag-beat ang publisher, Mr. Ogag!?

Pero kahit hindi tayo nag-beat, kapag dumalaw naman tayo sa mga beat ‘e always welcome po tayo.

Hindi katulad ng isang ‘multong tagasalsal’ ni Reyna L. Burikak, itinataboy sa mga beat dahil sa masamang kostumbre.

Sa pinakahuling beat na kanyang pinagparan ‘e sinunog ang pondo — estapador!

Pati pera ng press corps, ninakaw at ini-estafa!

At dahil wala nang tumatanggap sa kanya, nagtatago sa saya ni Reyna L. Burikak at doon ay nagtitiyagang himud-himurin ang mapanghing singit kapalit ng katiting na kuwarta.

Kunsabagay, hindi naman siya nag-iisa, dalawa sila ng isang baliktad ang nguso, na kilala namang ratrador ng S.

Mahirap din talaga kapag nawalan ng trabaho ang mga walang prinsipyo.

Kahit ‘suka’ ng aso na nakababaliktad ng sikmura ‘e tiyak na hihimurin nila.

Sayang, wala na tayong ibang diyaryo para sa kanila. Kung meron pa siguro ‘e kukunin natin ang dalawang ‘multong tagasalsal’ ni Reyna L. Burikak — kahit tagatupi ng diyaryo.

Makalaya man lang sila sa nakasusukang trabaho kay Reyna L. Burikak.

Ano sa palagay ninyo Sungay at Nguso?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *