Saturday , November 23 2024

Manila Mayor’s office ipinamamalita ni Reyna L. Burikak na nakikinabang sa illegal terminal sa Lawton!?

HINDI raw kinakabog ang dibdib ng reyna ng illegal terminal diyan sa Lawton na si Reyna L. Burikak.

Kahit salingin nang salingin ng inyong lingkod ang pinagsasalukan niya nang hindi kukulangin sa P.2 milyon cash araw-araw, hindi raw siya maaapektohan.

Ang press release niya kasi, utos daw ng amo niya sa city hall dahil kailangan ng pondo para sa eleksiyon.

Para kanino!?

Kaya naman parang matsurang bulldog ang kanyang pisngi kapag bumabalatay ang ngisi.

Ang tanong: totoo ba ang balitang ‘yan Mayor Erap?!

Matagal nang ipinagmamalaki ni Reyna L. Burikak na ayos na ayos sa kanya ang MMDA, MPD at Manila City Hall kaya hindi raw napapakialaman ang illegal terminal sa Lawton.

Diyan din umano sa Lawton, inaayos ang ‘lagom’ para sa mga hatagan at tongpats.

Hatag sa lespu, sa MMDA, sa City Hall at sa kanyang espasyo sa diyaryo.

Sabi nga ng mga inatraso at inagrabyado nitong si Reyna L. Burikak, sayang daw at hindi pa pang-obituary ang espasyong binabayaran niya sa diyaryo.

Ewan natin kung ano tawag sa ‘paid space’ na ‘yun. Protection racket ba?!

Sabi naman ng isang kabulabog natin, “Masamang damo ‘yan kaya hindi pa mao-obit, baka pang-orbit lalo na para sa dalawang tagasulat niya na sina Sungay at Nguso.”

Hikhikhik!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *