Saturday , November 23 2024

Bolera si Risa

“WALA nang maysakit na itataboy ng ospital. Wala nang pamilyang mamumulubi sa pagpapagamot.”

Nabasa po natin ‘yan sa Facebook mula sa account ni Risa Hontiveros (puro S pala ang spelling ng kanyang pangalan, bakit tila may panahon na ang nababasa natin ay puro Z?).

Anyway, ang gusto lang natin sabihin, mukhang sablay na, salto pa ang sinasabing ‘yan ng babaeng kandidato.

Hindi ba’t ilang taon din siyang naging party-list representative, bakit hindi niya ginawa ‘yan?!

Kailangan pa bang mayroong lumabas na ganyang mga kaso sa media bago maisipan na mayroong malaking problema ang health services sa bansa?!

Ang tagal niyang party-list (marginal sector) representative pero parang hindi niya nakita kung ano ang tunay na problema ng marginal sector?!

Bukod sa batayang pangangailangan na pagkain, damit at kanlungan, tila isang ‘kayamanan’ sa kanila ang kakayahang makapag-aral sa mga disenteng paaralan at makapunta sa doktor at ospital kahit man lang dalawang beses isang taon.

Ms. Hontiveros, hindi mo ba nakapa ‘yan sa marginal sector na kinatawan mo sa Kongreso nang halos ilang taon?!

Ngayon tayo nagkakaroon ng realisasyon kung bakit hindi napapalis ang mahabang ngiti sa iyong mga labi at kumikinang na mata dahil tila hindi ka naman nakakita ng kahirapan.

Kasi nga mukhang hindi mo pala talaga alam na mayroon tayong mga kababayan na natatakot pumunta sa ospital kahit buhay at kamatayan na ang pinag-uusapan dahil wala sila ni kusing sa kanilang mga bulsa.

At bilang mambabatas na mayroong sandamakmak na pork barrel ay mukhang hindi nakinabang sa iyo ang mga constituents mo?!

Wattapak!

Sino nga ang adviser ninyo Ms. Hontiveros? Si Secretary Roland Llamas?!

Aba, sabihin mo naman baguhin ang style ng iyong pangangampanya.

Kasi kung ganyan lang ang alam ninyong pambobola, aba ‘e kay Alma Moreno na ako.

‘Yun lang!

Court Clearance sa ‘Namesake’ ng akusado perhuwisyo sa pasahero

PAUIT-ULIT ang problema at marami na ang napeperhuwisyong mga pasahero sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kapag natataon na sila ay may kapangalan sa mga akusadong nasa hold departure order o lookout bulletin ng Bureau of Immigration (BI).

Perhuwisyong tunay at kaawa-awa pong talaga ‘yung pasahero lalo na kung nakatakdang magtrabaho at naghahabol ng visa sa bansang kanyang patutunguhan.

Kailangan kasi nilang kumuha ng court clearance para patunayan na hindi sila ‘yung nasa HDO o lookout bulletin.

Hindi ba puwedeng padaliin ang sistema riyan sa HDO o lookout bulletin sa pamamagitan ng paglalagay ng tunay na pangalan, birthday at mukha ng mga akusado na hindi puwedeng palabasin ng bansa?!

Nang sa gayon ay hindi napeperhuwisyo ‘yung mga kapangalan lang.

Its about time siguro na gumawa ng sistema sa ganitong kaso ang Department of Justice sa pamamagitan ng NBI at BI nang sa gayon ay hindi nasasakripisyo ang mga pangalan at hindi nasasayang ang kanilang oportunidad.

Paging DOJ, NBI & BI!

Dumami ba ang Club sa Caloocan?

KA JERRY, patay sindi na ngayon sa Caloocan. Dumami kasi ang mga nite clubs dto mula nang maupo si Mayor Oca. +63916303 – – – –

Paano na-promote si Major Olive Sagaysay?

BULABUGIN, alam n’yo ba na na-promote si Major Sagaysay na Kernel? Ano ba accomplishment niya sa traffic, e ang daming illegal terminal sa Maynila. Nakaka-demoralized lang ho samin MPD junior officer. Pls hide my number. +63919660 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *