Saturday , November 23 2024

‘Laba Dami, Laba More’ King bistado na ng AMLC

YES, ang ‘hari’ nga po ng “paglalaba” ang pinag-uusapan natin dito.

Pero hindi paglalaba ng maruming damit kundi paglalaba ng kuwartang galing sa mga ilegal na transaksiyon ang sangkot dito.

And yes, ang binabansagang ‘laba dami, laba more’ king ay walang iba kundi ang isang KIM WONG.

Isang negosyanteng ‘namulaklak’ ang negosyo sa Maynila noong panahon ng alkaldeng mahilig sa ‘bulaklak.’

Palibhasa’y likas na ‘mahusay’ sa business venture mabilis na nakapagsi-shift ng negosyo si Kim Wong depende kung kanino siya nakakapit at kung anong pakinabang ang puwede niyang hingin.

Namamayagpag noong panahon ng mayor na mabulaklak ang mga negosyo ni Kim Wrong ‘este’ Wong.

Mula sa isang masamang tsismis na galing sa ilegal ang kanyang kuwarta at binansagang opisyal na tambay sa likod ng Western Police District (MPD ngayon) headquarters, bigla siyang nakilala bilang hari ng Katigbak Drive sa Quirino Grandstand dahil nag-umpukan doon ang kanyang mga restaurant.

Pero nang matapos ang termino ng ‘mabulaklak na mayor’ bigla na ring nawala si Kim Wong hanggang mabalitaan natin na madalas siyang nagbababad sa Cagayan at sa mga Casino.

Alam nating hindi lang basta naglalaro sa Casino si Kim Wrong ‘este Wong, isa siya sa operator ng online gaming at nagpapasok ng ‘junket’ sa mga Casino as in junket operations.

Sila ‘yung mga nagdadala ng mga casino players galing sa China.

Kaya hindi na tayo nagtataka kung bakit nakasama siya sa anim na taong iniimbestigahan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na sinasabing sangkot sa cross-border electronic fraud and money-laundering scheme na nagpalusot ng US$81 million sa Philippine financial system.

Lima sa kanila ay sinabing may bank accounts sa Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC).

Diyan daw sa bankong ‘yan inilusot ng international syndicate ang kuwartang ninakaw ng computer hackers mula sa US account ng Bank of Bangladesh papasok sa ating local financial system. Sa huling balita ang mga kluwartang ito ay natagpuan sa mga local casino. 

Tinukoy ng AMLC sina Michael Francisco Cruz, Jessie Christopher Lagrosas, Alfred Santos Vergara, Enrico Teodoro Vasquez, William So Go at Kam Sin Wong (Kim Wong) na sangkot sa money-laundering scheme.

Sa wakas, kumibo na rin ang AMLC. Ilang beses na nating tinatawag ang pansin nila sa nakikita nating talamak na ‘paglalabada’ ng kuwarta sa mga casino lalo na riyan sa Midas Hotel at Solaire casino.

Diyan dinadala ang kuno’y malalaking ‘gaming junket operations’ pero sa totoo lang para masambot lang pala ang ipinasok na kuwarta sa mga banko ng Casino.

Ngayong na-freeze na ang account sa RCBC, East West Bank, Banco de Oro at Philippine National Bank — ng anim na indibidwal gayon din ang mga kompanya at accounts ni Go na Centurytex Trading sa loob ng anim na buwan, inaasahan na maaaresto at mate-trace na kung paano dumadaloy ang nasabing money laundering.

Isa sa inaasahang mabubuyangyang ang account ng isang Weikang Xu, na pinaniniwalaang sangkot sa gaming business bilang junket operator sa Eastern Hawaii Leisure Co. Ltd. and Bloomberry (Solaire operator).

Ngayong nagtatrabaho na ang AMLC, ano naman  ang gagawin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa money launder gaya ni Kim Wong?!

‘Yan dapat ang pinagtutuunan ng pansin ng BIR hindi ang maliliit na sari-sari store, salon at maliliit na carinderia.

Paging BIR!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *