Umatake kay Poe inatake
Johnny Balani
March 10, 2016
Opinion
NAGBUNYI mga ‘igan ang lahat ng sumusuporta kay Senadora Grace Poe nang ideklara ng Korte Suprema na maaari na siyang umarangkada sa pagtakbo bilang pangulo ng bansa.
Salamat naman at nanaig ang katotohanan!
Sa totoo lang, sa pagkakataong ito, ang na-ging desisyon ng Korte ay isang pagpapahayag ng pagbibigay karapatan o kapangyarihan sa taumbayan upang magdesisyon at mamili ng politikong kanilang iluluklok sa papalapit ng eleksi-yon.
Napakagandang pangitain, na ang lahat sana ay dumaan sa tamang proseso, at sa dulo’y katotohanan pa rin ang mamamayagpag.
Matatandaang pinutakti nang pinutakti ng batikos ng maraming politiko si Poe, sa simula pa lamang, nang ideklara niya ang pagtakbo sa pagka-pangulo.
Lim, nangunguna sa survey
PURSIGIDO si “Asyong Salonga” mga ‘igan na muling hawakan ang buong teritoryo ng Lungsod ng Maynila! He he he…Subalit, tutol dito ang mahigpit niyang katunggali/kaaway na si police general at maging ang mamamayang Manilenyo.
Ayon sa ating “Pipit” mga ‘igan, hindi na nila pagbibigyan pang muli na makabalik ang isang ‘ex-convict’ sa paniniwalang mananatili ang karahasan sa Maynila partikular sa Tondo, na matin-ding umusbong sa kanyang Administrasyon, sa totoo lang.
Kung ating pag-aaralan ang resulta ng survey sa Maynila, na atin din mababasa/makikita sa alin mang pahayagan, sa totoo lang po, nangunguna si Alfredo S. Lim, pumapangalawa lamang si Amado Bagatsing at pangatlo si Joseph Estrada.
Maliwanag na muling isinisigaw ng samba-yanang Manilenyo ang pagbabalik, ng binansagang “Ama ng Libreng Serbisyo,” former Manila Mayor Alfredo S. Lim, upang pamunuang muli ang Maynila.
Sa paglilibot ni Ka Fred Lim sa Maynila, mainit siyang sinasalubong ng sambayanang Manilenyong uhaw sa mga libreng serbisyong tanging si Ka Fred Lim lamang ang nakapagbibigay.
Mabuhay ka Ka Fred Lim!