Saturday , November 23 2024

Jollibee franchisee sa NAIA Terminal 1 walang proteksiyon mula sa mother company!

ANG Jollibee sa NAIA Terminal 1 ay hindi lang basta restaurant o franchisee ng kompanya ni Tony Tan Caktiong.

Alaala ang katumbas ng Jollibee NAIA Terminal 1 sa mga overseas Filipino workers (OFW).

Wala pa ang ibang restaurant o fastfood sa NAIA Terminal 1, nandiyan na ang Jollibee.

In short, sila ang pioneer diyan sa NAIA T1.

Halos kaakibat sila ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa pag-unlad at promosyon ng turismo sa bansa.

Kahit sinong OFW ang tanungin ninyo, diyan sa Jollibee NAIA Terminal 1, una nilang dinadala ang pamilya kapag dumarating sila mula sa ibang bansa.

Hindi kayang burahin ang matatamis na alaala ng mga OFW at airport employees sa Jollibee NAIA Terminal 1 branch.

Kaya naman nagtataka tayo kung bakit tila walang pakialam ang pamilya Tan Caktiong sa panghihimasok ng Central Manila Food Corp., na binigyan nila ng franchise para magbukas ng isa pang Jollibee sa T1 Departure Area, doon sa dating WOW Restaurant na pag-aari ng isang swapang at namamakyaw na concessionaire sa NAIA.

Tama ba ang ginagawa ng mga TAN CAKTIONG na mismong franchisee nila ay itinatambak nila sa iisang teritoryo?!

E di ang mangyayari sila-sila ang magiging magkakakompetensiya?!

Kung gusto nilang mapuno ng Jollibee ang NAIA ‘e ‘di doon nila ialok sa franchisee na naroroon.

Ibig bang sabihin, ‘yung Jollibee sa NAIA Terminal 2 at sa Terminal 3, ‘e pwedeng tapatan ng Jollibee rin ng ibang franchisee?!

Ibig bang sabihin, walang pakialam ang mga TAN CAKTIONG sa business protocol, basta’t nagpapasok ng kuwarta ang mga franchisee nila?!

Naging isyu na rati ‘yan, tumahimik at tumigil ang pagpapagawa ng restoran pero bigla na namang ‘nabuhay’ sa ilalim ng ibang kompanya o pangalan lang ang nag-iba?

Pero ang suspetsa ng iba pang concessionaire, iisa lang ang nagpapagawa niyan, noon at ngayon.

Dummy corporation lang ‘yata ni Simon Wong ‘yan at balitang isang airport official raw ang kasosyo riyan!?

‘E ano ba talaga, Mr. Tan Caktiong?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *