Thursday , December 26 2024

Balikbayan nawalan ng P98,000 sa X-ray machine

KUNG noon ay tanim-bala ang kontrobersyal na isyu na bumagabag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ngayon ay nakawan na.

Isang balikbayan na Filipina ang nawalan umano ng kanyang Gucci wallet na nagkakahalaga ng P40,000 at naglalaman ng P98,000, credit at debit cards, matapos idaan ang kanyang bag sa X-ray machine ng NAIA Terminal 3.

Galing Amerika ay pauwi na sana si Ann Margaret Anthony sa kanyang pamilya sa lalawigan ng Iloilo pero hindi ito natuloy, matapos matuklasan ang pera at wallet na naglaho na parang bula.

Pumasok daw siya sa Gate 1 ng terminal ng paliparan na dala ang dalawang maleta at isang handbag. Bago ilagay ang handbag sa makina para ma-X-ray ay kinuha niya ang wallet sa loob upang ilagay ang mga barya mula sa kanyang bulsa. Matapos nito ay ibinalik niya ang wallet sa handbag at inilagay na ito sa makina.  

Dahil huminto ang X-ray at kasunod nito ay umatras, nagtaka si Anthony kung ano ang maaaring dahilan at naantala ito. 

Dumiretso si Anthony sa ticketing office para mag-book muli ng flight. Pero laking gulat niya nang matuklasan na nawawala ang kanyang wallet nang magbabayad na siya.

Bumalik siya sa Gate 1 at hiniling na makita ang CCTV footage na sinunod naman ng mga empleyado ng NAIA. Pero akalain ninyong ang apat na CCTV na nakakabit sa Gate 1 ay hindi raw gumagana.

Ang isang CCTV na umaandar ay may kuha sa biktima habang siya ay nasa makina ng X-ray patungo sa airline ticketing office.

Ayon sa tagapagsalita ng MIAA na si David de Castro, nagsinungaling daw ang biktima dahil ayon sa mga nakasaksi at pati na sa CCTV footage ay wala naman siyang dalang shoulder bag sa simula pa lang.

Pero nakakuha si Anthony ng CCTV na kung titingnan nang maigi, ay makikita na may dala nga siyang handbag. Ito ang nagpapatunay na totoo ang kuwento ng balikbayan at pinasisinungalingan ang pahayag ng taga-MIAA. 

Kailan nga ba matatapos ang kontrobersiya at isyu ng katiwalian sa ating paliparan? Naglagay pa kayo ng CCTV pero hindi naman pala umaandar? International airport pa naman kayo pero kulang-kulang sa mga gamit na sadyang mahalaga sa inyong paghahandog ng serbisyo.

Pumutok ang balita dahil nagsalita si Anthony. Pero ang tanong ay ilang ulit na kaya naganap ito sa mga pasahero, balikbayan at OFW?    

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *