Friday , November 22 2024

CNA & 34th anniversary bonuses ng MIAA employees nasaan na?

PATULOY ang pagdarasal ng mga empleyado ng Manila International Airport Authority (MIAA) para kay MIAA General Manager Jose Angelo “Bodet” Honrado.

Idinadalangin nila na haplusin ni Lord ang ‘puso’ ni GM Bodet para magkaroon ng ‘habag’ na i-release na nila ang kanilang CNA (Collective Negotiation Agreement) at MIAA 34th anniversary bonuses.

‘Yun na nga, nagpang-abot na ‘yang dalawang bonus na ‘yan pero hanggang ngayon wala pa rin naire-release para sa kanila.

Mula noon hanggang ngayon ilang beses nang nagkaroon ng MIAA board meeting pero hindi pa rin umano nai-a-agenda ang bonuses ng mga empleyado!?

Ang alam umano nilang kuwentada ng mga bonus na ‘yan ay P20,000 plus P20,000 bale P40,000 na pero nag-34th anniversary na nga, wala pa rin, as in BOKYA!

Imbes maging masaya ang MIAA employees ‘e naging anniver-SORRY na lang ang mga empleyado.

Kamakalawa (Thursday), pumutok na magre-release na umano ng P3,000 para sa anniversary bonus. Pero naubos lang ang tik-tak sa kanilang relo at cellphone, kahit piso walang nasalat ang mga empleyado.

Kaya hanggang ngayon raw, panay-panay na ang dasal ng mga empleyado na pisilin ‘este haplusin ang puso ni GM Bodet Honrado.

Dapuan sana ng habag para maisipang i-release ang bonuses nila.

Ang siste, mukhang napalitan na ang puso ni GM Bodet, kaya’t hindi na nasasagap ang mensahe ni Lord?

Naringgan pa nga raw nila minsan sa MIAA Admin building na may nagsabing bahala na ang susunod na administrasyon sa kanilang bonus?

Sana naman raw, haplusin na agad-agad ni Lord ang puso ni GM Bodet para makapag-iwan man lang siya ng ‘magandang’ alaala sa mga empleyado.

Ilang buwan na lang nga naman at matatapos na ang administrasyon ni PNoy, naturalmente na magkapalitan na rin ng mga bossing sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan including MIAA.

Ang ipinagtataka naman nila dito, bakit parang hirap na hirap si GM Bodet na i-release ang bonuses ng mga emplayado ‘e hindi naman manggagaling sa kanyang bulsa ‘yan di ba?

GM Bodet, alam n’yo bang malaking bagay ngayon sa MIAA employees ang perang ‘yan dahil school enrollment na naman?!

Alam n’yo naman ang private schools, bago matapos ang school year ‘e nanghihingi na ng reservation fee.

Kumbaga, ‘yang bonuses na ‘yan ay inilalaan na nila sa tuition fee ng kanilang mga anak.

Kaya, please raw po, GM Bodet, i-RELEASE na ninyo ang CNA & ANNIVERSARY bonuses ng MIAA employees…

Or else, patuloy ka nilang ipagdarasal.

(Hindi lang nga natin alam kung ano ang laman ng kanilang mga dasal).

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *