HANDS-ON si Marian Rivera sa baby niyang si Maria Letizia o Baby Zia. Sila raw ni Dingdong Dantes ang nagpapaligo sa bata. Hindi rin siya tumigil na mag-breastfeed kay Zia. Tatlong buwan na raw na purong gatas ng ina ang ipinapagatas sa anak nila.
“Masayahin siya eh, hindi siya iyakin na bata, palangiti. Kung tumawa parang ako lang, halakhak,” kuwento pa ni Yan.
Wala pa silang balak na sundan si Baby Zia. Palilipasin daw muna nila ang dalawang taon.
Pero gusto raw ni Marian na magkaroon ng maraming anak.
Talbog!
TALBOG – Roldan Castro