Monday , December 23 2024

KABAKA (as in Kasama Sa Pakikibaka) o KABAKAS ng mga money launderer?

SA TINATAGAL-TAGAL ng panahon na tinatalakay natin ang malalang money laundering sa bansa, natuwa naman tayo at natauhan na ngayon ang Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Sa kasalukuyan umano, kinakapa ng AMLC kung paanong nakapasok sa loob ng bansa ang US$100 milyones sa pamamagitan ng banking system, naipagbili sa black market foreign exchange broker, nailipat sa tatlong malalaking Casino, bumalik sa money broker hanggang mailipat sa overseas accounts para tuluyang mailbas sa bansa sa loob lamang ng ilang araw. 

Ganyan po kabilis ang operasyon ng money launderer sa bansa dahil napakaluwag ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa sistemang ‘yan.

Bukod pa ‘yan sa proteksiyon na naibigay ng isang dating mambabatas na ngayon ay tumatakbong alkalde sa Maynila na si Rep. Amado Bagatsing.

Hindi ba’t minsan na nating tinalakay na si Bagatsing mismo ang nagmungkahi na tanggalin sa restriksiyon ng AMLC ang operasyon ng mga Casino sa bansa?!

Noon pa natin tinatalakay na mayroong mga Casino players na nakapapasok sa bansa dahil nasa junket sila at naka-enrol sa high rolling scheme sa  mga Casino.

Ilang halimbawa riyan ang Oriental Casino na mayroong operasyon sa Midas Hotel at sa Solaire Casino na sinabing pag-aari ng isang Kim Wong.

Karamihan umano ng nasa junket ng nasabing Casino ay hinihinalang Korean and Chinese gangster na malayang nakapaglalaba ng kuwarta sa bansa mula sa kanilang mga illegal transaction.

Hindi natin alam kung bakit ngayon lang nag-iingay ang AMLC gayong kung tutuusuin, sila ang mas may kakayahan para makapa ang operasyon ng mga nakapapasok na money launderer sa bansa.

Nag-iingay ba ngayon ang AMLC dahil nalalapit ang eleksiyon at alam nilang mayroong ilang politiko ang nakasambot ng nilanhang kuwarta sa Casino?!

‘Yan ba ang dahilan kung bakit ipinatanggal ni Bagatsing sa restriksiyon ng AMLC ang mga casino?!

Nagdududa na tuloy kung si Bagatsing ba ay tunay na KABAKA ng mga mamamayan laban sa mga money launderer?!

O baka naman sa totoo lang ‘e KABAKAS siya ng mga ilegalista at sindikato sa Casino?!

Ano ba talaga, Ka Amado?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *