Saturday , November 23 2024

P70-M ‘Unholy Alliance’ ni Chiz vs Bongbong

DESMAYADO at hindi lang daw natataranta si vice presidential candidate Francis “Chiz” Escudero kay Bongbong Marcos.

‘Yan ay kung pagbabasehan natin ang mga naglabasang balita na nagpakawala umano ng P70 milyones si Chiz para ipantapal sa magkalabang grupo ng mga kaliwete upang diinan ang kampanya laban kay Bongbong Marcos?  

Alam naman nating lahat na si Bongbong ang pinakamabigat na kalaban ngayon ni Chiz sa vice presidency lalo’t naungusan na siya sa survey.

Bahagi umano ng P70 milyones na P50-M ay ibinigay ni Chiz sa Koalisyong Makabayan (KM).

Ang KM ay grupo umano ng mga leftist na reaffirmist (RA) o ‘yung naniniwala kay Jose Maria Sison a.k.a. Armando Liwanag, founder ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Habang P20 milyones naman ay ibinigay umano sa SANLAKAS, isang multi-sectoral group naman na nasa rejectionist (RJ) na dating kinabibilangan ng pinaslang na si Felimon “Popoy” Lagman.

Sinasabing sa dalawang grupo na ‘yan mayroong ‘unholy alliance’ si Chiz upang tuluyang gibain ang kandidatura ni Bongbong.

Hindi na tayo nagtataka kung bakit nakagpa-ads sa mga diyaryo ang Campaign Against the Return of the Marcoes to Malacanang (CARMMA) na pinamumunuan ni Bonifacio Ilagan, vice chairman ng Selda.

Mukhang diyan nanggaling ang kanilang pondo.

Magugunitang nagpa-ads ang CARMMA ng whole-page ads sa mga piling diyaryong broadsheets at tabloids.

Ang isang whole page black-and-white ad sa broadsheet ay umaabot sa P185,000 o mas mataas pa at sa tabloid naman ay P45,000.

Kung tayo ay nasa ‘sapatos’ ng mga supporter ni Chiz, aba nakanenerbiyos kung totoo ang ginagawa niyang panunuhol sa makakaliwang grupo.

Kahit naman ‘bayaran’ niya ‘yang mga makakaliwang grupo hindi naman siya nakatitiyak na magiging sunud-sunuran sa kanya ang mga ‘yan di ba!?

Lalo na ‘yung grupong nagpapatakbo sa CARMMA.

‘Yung mga nasa grupong ‘yan ay kilalang mga institusyon sa akademya.

Ano kaya ang ipinangakong kapalit ni Chiz sa CARMMA?

Mukhang malaki na talaga ang nakokolekta ni Chiz sa kanyang campaign contributors dahil nakakaya niyang magpakawala nang ganyan kalaking halaga?

At kung totoo ang ‘suhulan,’ saan na kaya itinapon ng mga reaffirmist at CARMMA ang kanilang mga prinsipyo?!

Ganoon din ang Sanlakas?!

Mukhang totoo para sa kanila ang kasabihang hindi nakakain ang prinsipyo…

Pero hindi man lang ba sumagi sa isipan nila na mahirap lunukin ang pagkain kapag walang prinsipyo?!

Ang masaklap dito, nagamit pa sila sa ‘pagkataranta’ ni Chiz na ang layunin ay talunin si Bongbong sa vice presidential race; magkaroon ng malawak na makinarya para sa kanyang kampanya dahil wala siyang partido; at ikatlo gusto niyang tiyakin na mabibili niya ang boto ng KM at Sanlakas.

Napurol na ba sa pag-aanalisa ang dati ay mga inirerespetong leftist groups?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *