Friday , November 15 2024

Wala akong dapat ihingi ng tawad — Bongbong

KASUNOD ng pagdiriwang ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power ay muling nanindigan si vice presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos na walang dapat ihingi ng tawad at ipaliwanag sa ipinatupad na batas militar ng kanyang ama.

Ayon kay Marcos, kailanman ay hindi siya maaaring sisihin ng sino man sapagkat ang kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos ay tunay na nagsilbi sa bayan at bansa.

Iginiit ni Marcos, bagamat siya ay anak ng dating Pangulo, hindi maituturing na pagbubuhat ng sariling bangko kung sasabihin niyang mayroong nagawa, naipatupad na proyekto at nagsilbi nang maayos at naglingkod nang tapat sa pamahalaan at bawat mamamayan ang dating presidente.

Naniniwala si Marcos na hindi siya maaaring matinag ng ano mang paninira laban sa pamamahala ng kanyang ama at pagiging isang Marcos.

Sinabi ni Marcos, ang mainit na pagsalubong sa kanya ng bawat mamamayan saan man siya pumunta sa iba’t ibang sulok ng bansa ay hindi lang patunay na mahal ng mamamayan ang kanyang ama, kundi patunay na talagang mayroon na silang pinatunayan pagdating sa pagsisilbi sa bayan o bansa at maging sa bawat mamamayan.

Aminado si Marcos na tuwing sasapit na ang halalan ay pilit ikinakabit sa kanilang pangalan ang hindi magagandang mga paratang at salita ngunit sa kabila nito ay hindi siya panghihinaan ng loob.

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *