Sunday , December 22 2024

Boy Sisi hindi maka-move on

HIRAP na hirap makakawala sa ‘kulturang sisihan’ ang Haring Boy Sisi ng Malacañang.

Sa kanyang talumpati sa EDSA kahapon, talaga namang gustong tirisin ni PNoy si Bongbong.

At kung hindi man matiris parang kahit pektos man lang, sa tuktok ng ulo na ang buhok ay tila rin kanyang kinainggitan.

Kung ‘putungan’ ni PNoy ng ‘korona ng kasalanan’ si Bongbong ay tila kasalanan niyang lahat ang naganap noon at nagaganap ngayon, 30 taon pagkatapos ng EDSA people power.

Sa kanyang talumpati, tila aatakehin sa puso, sa sobrang sama ng loob si PNoy.

‘Yun bang tipong sama ng loob na parang wala siyang nagawa bilang Pangulo ng bansa dahil sa Martial Law.

‘Yan ay personal na pagbasa ng inyong lingkod sa kabuuan ng talumpati ng Pangulo.

Hindi natin nakita sa ‘taginting’ ng kanyang boses ang pagmamalaki na siya ay namuno sa bansa sa panahon na wala nang batas military.

Ang naramdaman natin ay eksasperasyon. ‘Yun bang tipong siya man ay hindi nasiyahan sa kanyang performance bilang Pangulo, at walang ibang dapat sisihin kundi ang Martil Law at ang apelyidong kakambal o kakabit nito.

Ang masakit nito — paano kung manalo si Bongbong sa eleksiyon?

Baka pati kapamilya niyang naging Pangulo ng bansa ‘e kanya ring sisihin dahil si Bongbong ay hindi iniuugnay ng maraming kabataan ngayon sa Martial Law.

Sa halip, heartthrob at magaling na Senador ang tingin sa kanya ngayon ng mga kabataan. Ganoon din ang supporters nila sa Solid North sa Eastern Visayas, sa academe at sa mga tinatawag na millennial generation.

Mukhang kailangan na talagang mag-MOVE ON ni Boy Sisi. Weder-weder lang ‘di ba?!

Kumbaga sa ‘gig’ at ‘gimik’ habang kinakanta ni PNoy ang… “Pana-panahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon?” ni Noel Cabangon, sasagutin lang siya ni Bongbong ng… “Would you know we’re riding, on the Marrakesh Express…All on board the train…I’ve been saving all my money just to take you there…”

Tama na, sobra na ang pagiging overacting ng Daang Matuwid…

Move on, Mr. President!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *