Monday , December 23 2024

Duterte sinopla ni Grace Poe sa pagiging ‘babaero’

duterte poeNakapuntos sa Pinoy voters si Team Galing at Puso standard-bearer Sen. Grace Poe sa unang leg ng presidential debate na ginanap sa Cagayan de Oro noong Linggo nang kanyang soplahin ang pagbibigay-matuwid ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa imahe niya bilang isang babaero.

Sa kanyang 30 segundong rebuttal kontra kay Duterte, sinabi ni Poe na kailangan magkaroon ng kontrol sa sarili ang Davao City mayor kahit pa malakas ang sex appeal at irresistible sa mga babae.

Pinaalalahanan din ng senadora si Duterte na mag-ingat sa mga babaeng lumalapit dahil baka ilan sa kanila ay may asawa o boyfriend na.

Sinabi pa niya na ang mali (tulad ng pambabae ni Duterte) ay nagiging tama sa mata ng mga bata kapag ginagawa ng matatanda.

Pero pinupuri natin itong si Poe hindi lang sa kanyang pagtindig laban sa isang babaerong mayor kundi sa kanyang pangkabuuang paninindigang maisulong ang mga karapatan ng sino mang Pinoy – lalaki man o babae at bakla man o tomboy o transgender.

Aniya, hindi basehan ang kasarian at oryentasyong sekswal para hindi natin igalang ang isa’t isa.

Sa ibang round ng debate, nasagot din ni Poe nang mahusay ang pagkuwestiyon sa kanyang kuwalipikasyon bilang isang presidential candidate.

Aniya, walang katibayan na magaling ang isang tao kapag matagal na sa puwesto at saka maaaring ituring siyang bago pero hindi naman siya uto-uto.

Bilang pagsuporta sa kanyang intensiyon, binanggit niya ang isang stanza ng kantang “Upuan” na popular sa mga kabataan na si Gloc9: Kayo po na nakaupo/ Subukan n’yo namang tumayo/ At baka matanaw, at baka matanaw na n’yo/ Ang tunay na kalagayan ko.

Samantala, binalewala lang ni Poe ang pag-usisa ng isang broadsheet reporter matapos ang debate kung siya ang pinapatamaan ni Liberal Party presidential candidate Mar Roxas nang sabihin nito sa isang round na “ang presidency ay hindi isang OJT.”

“Ha? Ako ba ‘yun?” natatawang sagot ng pambato ng Team Galing at Puso.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *