Friday , November 22 2024

Dapat kurutin sa singit ng mga guro si VP Binay

UMAALMA ang sektor ng edukasyon, lalo ang Pinoy teachers, sa pahayag ni Vice President Jojo Binay kamakailan na walang kaugnayan umano ang pagiging isang teacher pagdating sa pamumuno sa gobyerno.

Nagsimula ang gusot ni Binay nang kanyang direktang patutsadahan ang dating preschool teacher bago naging senador na si Team Galing at Puso standard-bearer Grace Poe sa pagsasabi sa press at media na ang karanasan at kasanayan ng isang guro ay para lamang sa pagtuturo.

Agad namang binuweltahan ni Poe si Binay nang kanyang sabihin na hindi maaabot ng bise-presidente ang kasalukuyang posisyon at tagumpay sa buhay kung hindi dahil sa maraming gurong nakasalamuha niya.

Naniniwala siya na ang isang gurong tulad niya ay dapat bigyan din ng pagkakataon na tumakbo para sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Para sa senadora, ang Pinoy teachers ay nauunawaan nang lubusan ang kanilang kapwa habang tumatayo bilang mga pangalawang magulang sa eskuwela at hindi lamang basta nagtuturo ng mga leksiyon kundi pati ng kabutihang asal.

Labis na ikinalulungkot ni Poe ang naging pananaw ni Binay dahil aniya: “Ang mga guro ang nagbabantay ng ating mga boto pero bakit sasabihin niya hindi sila maaaring tumakbo sa pagkapangulo? Ipinagkakatiwala natin sa mga guro ang ating mga anak ngunit bakit sasabihin niya na hindi nila kayang pamunuan ang bansa?

Hindi na uso ngayon ang mababagsik na teacher pero dapat sigurong makatikim ng kurot sa singit ang bise-presidente.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *