Friday , December 27 2024

 ‘Salyahan’ sa Kalibo Int’l Airport nabulilyaso!

Kamakailan pumutok ang balita sa Bureau of Immigration (BI) na dalawang overseas Filipino workers (OFWs) ang magkasabay na ibinalik sa NAIA Terminal 1 ng immigration authorities mula sa Singapore.

Sa madaling salita, na-A-to-A ( airport-to-airport) ang ating mga kaawa-awang kababayan!

Laking gulat natin nang malaman na ang dalawang pasahero na nagngangalang Cherryl Damilo at Ellen Patiag, ay isinalya ‘este’ lumabas pala ng bansa galing sa Kalibo International Airport.

Ayon sa report ng mga BI-TCEU ( travel control enforcement unit) members ng NAIA Terminal 1, wala raw silang nakitang record of departure ng dalawang nabanggit na pasahero at umamin pa umano na ang totoong destinasyon nila ay sa Dubai habang hinihintay ang kanilang visa na doon kukunin sa Singapore.

Tsk tsk tsk!

Sa ating pagkakaalam, kung papunta lamang Dubai, UAE ang dalawang pasahero, dapat ay mayroon na silang nakahandang visa. Hindi naman mahirap kumuha ng visa sa nsabing bansa lalo na kung meron silang invitation galing sa kanilang sponsors.

Magkano ‘este’ ano ang dahilan kung bakit hindi raw ipinasok ng nagtatak na Kalibo immigration officer sa Central Query Support System ang  record of departure ng dalawang Pinoy?

Hindi kaya sa Lebanon ang totoong destinasyon ng mga pasahero at hindi sa Dubai, UAE gaya ng kanilang pinalalabas?

Mukhang may Immigration Officers talaga na makakapal ang mukha at gustong subukan ang kakayahan ni BI Comm. Ronaldo Geron para magpataw ng disiplina.

Mas maganda siguro kung i-recall, imbestigahan at kasuhan ang sangkot na Immigration Officer sa Kalibo sa palusutan na ‘to!

Aksiyon Geron!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *