Polls survey itigil na ‘yan!
Jerry Yap
February 17, 2016
Bulabugin
KAPAG eleksiyon talaga, ang daming kumikita?!
Isa na riyan ang iba’t ibang mga survey firm. Marami kasi ang kumokomisyon sa kanila para i-survey kung sino ang mga patok na kandidato sa tao.
Kabilang sa mga nagpapa-survey, unang-una na ang malalaking negosyante na ayaw magkamali sa pagtaya o ‘yun may minamanok na kandidato.
Bagama’t tumataya sila sa lahat, mayroon silang mas kinikilingan.
Ang mga kandidato mismo lalo na ang kinabibilangan nilang partido ay nagpapa-survey din.
Ang akademya na gumagawa mismo ng kanilang survey.
At kung ano-ano pang grupo na nagpapa-survey na essentially ay pakana rin ng mga politiko.
In short ‘yang mga survey-survey na ‘yan ‘e naglalayon lang na ikondisyon ang isip ng mga botante.
Mind conditioning, ‘ika nga!
Mantakin n’yo naman,ang respondents ng survey-surveyan nila, hindi pa umaabot sa .01 percent sa botante sa buong bansa. Pinakamalaki na ‘yung survey na ang respondents ay umaabot sa 2,000 katao tapos itatakda na kung sino ang no. 1, 2 and kulelat?!
Sonabagan!!!
‘Yan ba talaga ang ‘puso’ ng mga botante?!
Kung ang survey ay itinatago, at for candidates or political parties eyes only, ‘yan maniniwala pa ako sa integridad niyan.
Pero kung ganyang tila ginagamit na pangkampanya at pang-impluwensiya sa mamamayan, dapat sigurong maisip ng Commission on Elections (Comelec) na nagugulangan tayo ng mga tusong kandidato.
Totosgas nang kakarampot sa pagpapa-survey tapos ang resulta ay ginagamit na pang-impluwensiya sa pangangampanya?!
Ang pagpili ba ng mabuti at mapagkakatiwalaang pinuno at/o lider ng bansa ay maibabatay sa resulta ng mga kinomisyong survey?!
Of course not!
Ang survey, uulitin po ng inyong lingkod, ay ginagamit para sa mind setting, trending at mind conditioning ng mga botante.
Kaya mas mabuti pang ITIGIL na ang lahat ng uri ng survey!
Paging Comelec! Paging Chairman Andres Bautista!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com