Saturday , November 23 2024

Polls survey itigil na ‘yan!

00 Bulabugin jerry yap jsyKAPAG eleksiyon talaga, ang daming kumikita?!

Isa na riyan ang iba’t ibang mga survey firm. Marami kasi ang kumokomisyon sa kanila para i-survey kung sino ang mga patok na kandidato sa tao.

Kabilang sa mga nagpapa-survey, unang-una na ang malalaking negosyante na ayaw magkamali sa pagtaya o ‘yun may minamanok na kandidato.

Bagama’t tumataya sila sa lahat, mayroon silang mas kinikilingan.

Ang mga kandidato mismo lalo na ang kinabibilangan nilang partido ay nagpapa-survey din.

Ang akademya na gumagawa mismo ng kanilang survey.

At kung ano-ano pang grupo na nagpapa-survey na essentially ay pakana rin ng mga politiko.

In short ‘yang mga survey-survey na ‘yan ‘e naglalayon lang na ikondisyon ang isip ng mga botante.

Mind conditioning, ‘ika nga!

Mantakin n’yo naman,ang respondents ng survey-surveyan nila, hindi pa umaabot sa .01 percent sa botante sa buong bansa. Pinakamalaki na ‘yung survey na ang respondents ay umaabot sa 2,000 katao tapos itatakda na kung sino ang no. 1, 2 and kulelat?!

Sonabagan!!!

‘Yan ba talaga ang ‘puso’ ng mga botante?!

Kung ang survey ay itinatago, at for candidates or political parties eyes only, ‘yan maniniwala pa ako sa integridad niyan.

Pero kung ganyang tila ginagamit na pangkampanya at pang-impluwensiya sa mamamayan, dapat sigurong maisip ng Commission on Elections (Comelec) na nagugulangan tayo ng mga tusong kandidato.

Totosgas nang kakarampot sa pagpapa-survey tapos ang resulta ay ginagamit na pang-impluwensiya sa pangangampanya?!

Ang pagpili ba ng mabuti at mapagkakatiwalaang pinuno at/o lider ng bansa ay maibabatay sa resulta ng mga kinomisyong survey?!

Of course not!

Ang survey, uulitin po ng inyong lingkod, ay ginagamit para sa mind setting, trending at mind conditioning ng mga botante.

Kaya mas mabuti pang ITIGIL na ang lahat ng uri ng survey!

Paging Comelec! Paging Chairman Andres Bautista!

Atty. Lorna Kapunan bagong ‘Miriam’ sa Senado

NAPANOOD natin kamakalawa ng gabi si Atty. Lorna Kapunan sa TV5’s “Reaksiyon: Aplikante sa Senado” para sa isang tila panel interview na kinabibilangan nina Ellen Tordesillas, Luchi Cruz Valdez at Atty. Mel Sta. Maria.

Ilang beses na rin naman natin silang napanood sa iba’t ibang programa. At nakita natin kung paano nila ‘isalang’ ang kanilang mga guest kapag hindi sila satisfied sa mga sagot.

Pero kay Atty. Kapunan, nakita natin kung gaano na-amaze sina Ms. Ellen, Ms. Luchi at  Atty. Mel.

Lalo na nang i-discuss niya ‘yung portfolio investment ng mga foreign investor na hindi naman lumilikha o nanganganak ng industriya (pag-likha ng iba’t ibang pabrika para magbigay ng trabaho sa maraming Filipino).

Kumbaga, nag-i-invest lang sila sa stock exchange at kapag kumita ay kanila rin ipu-pull-out pabalik sa kanilang bansa.

Dapat din daw i-inventory ang mga batas.

kasi marami na raw tayong batas pero wala pang Implementing Rules & Regulations (IRR) na dapat sana ay trabaho ng Supreme Court.

Ang best example raw diyan ‘yung anti-cyber crime law. May batas na nga para riyan pero hindi pa naipatutupad dahil wala pa ngang IRR.

Higit sa lahat, pabor na pabor si Atty. Kapunan sa pag-aapruba sa Freedom of Information (FOI) Bill dahil naniniwala siya na isa ito sa mga importanteng salik para labanan ang korupsiyon.

Habang nagpapaliwanag si Atty. Kapunan, ramdam natin sa kanya, na nauunawan niya at totoo sa kanya ang kanyang sinasabi.

Ipinaliwanag niya ito in a cool manner, hindi trying hard.

Sana lang, hindi ito maging lip service…

Mas bumilib naman tayo kay Kapunan kaysa isang babaeng kandidato na ang campaign slogan ay hustisya pero wala naman naibigay talagang hustisya sa tao. Mas mabuti pa raw ang kanyang ‘fafa’ na mas nabigyan n’ya ng hustisya ?!

Sa totoo lang, gusto natin manalo si Atty. Lorna Kapunan sa Senado.

She’s another ‘Miriam sa senado’ in the making.

You’re one of my senators, Atty. LORNA KAPUNAN!                        

Patas na pagbabalita para sa INC (Hiling ng mga miyembro)

Napabalita nitong mga nakaraang linggo ang umano’y pag-boycott ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa isang sikat na TV network dahil sa “biased reporting.”

Masyado raw kasing pinalalaki ng “family network” ang maliliit na isyung panloob sa INC at ginagawa itong malaking balita.

Ayon sa isang nakausap kong INC member, mukhang ang pinapaboran at laging binibigyan ng airtime ay sina Menorca, Samson, Manalo-Hemedez at iba pang itiniwalag na miyembro ng simbahan.

Pero inilinaw ng INC na hindi kailanman sila nag-utos ng boycott sa TV network, gayon pa man hindi raw nila mapipigilan ang mga miyembro na maglabas ng hinaing nila gamit ang social media.

Dapat bang maging defensive ang INC dahil sa boycott? Hindi rin dapat.

Isa itong pribadong organisasyong pangrelihiyon.

May sarili silang mga alituntunin at pananagutan sa mga kasapi. Mag-utos man o hindi ng boycott ang INC laban sa TV network ay sarili nila itong desisyon at hindi natin dapat husgahan.

Ang mas importanteng tanong: Biased nga ba talaga ang estasyon ng ‘pamilya?’

Tingnan nga natin ang mga pangyayari.

Una, sina Menorca atbp., ay makailang ulit na puwersahang ipinipilit na makapasok sa INC compound sa Tandang Sora, na laging kasama agad ang TV crew ng estasyon at may katuwang pang mga ex-military.

May karapatan ba silang papasukin? Siyempre wala. Tiwalag na nga sila, ‘di ba? Hindi na miyembro ng simbahan nila. Nagsampa pa sila ng mga kaso laban sa liderato ng INC.

Hibang na lang ang aasang sasalubungin pa sila ng bukas-loob at bibigyan ng red carpet welcome sa INC compound.

Pero ibinalita pa rin ng estasyon na hindi raw pagpapapasok sa mga natiwalag na pilit gumagawa lang ng eksena para masira ang INC.

Pangalawa, ang estasyon ng ‘pamilya’ ay nakapagtatakang madalas nakakukuha ng “exclusive” sa press conference ng mga tiwalag at naibabalita kahit ang pinakamaliit na hinaing at galaw nila bilang pambansang balita.

Iniulat pati ang planong pagsasampa ng kaso ni Menorca laban sa mga pulis na tumutupad lang sa tungkuling i-serve ang warrant of arrest na galing sa korte.

Pero bakit daw nanahimik ang estasyon noong ibinasura ng DOJ ang mga reklamong kriminal na ihinain nila Menorca at Samson laban sa INC dahil sa kawalan ng basehan at ebidensiya?!

“Hindi ba’t parang pamimili ito ng ibabalita? Kayo nga ang humusga,” reaksyon pa ng isang INC member.

Hindi siyempre sasabihin ng estasyon na tumutulong sila sa “demolition job” at planadong paninirang ginagawa nila Menorca atbp., at ng kanilang financier?

Sana nga lang, maging patas naman ang pagtrato ng estasyon sa pagbabalita.

“Bigyan dapat ng pagkakataon ang magka-bilang kampo, hindi lang puro isa lang ang kinikilingan” pahabol ng isang kapatid.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *