Friday , November 15 2024

Tugon ni National Artist & KWF Chairman Virgilio S. Almario sa ating kolum (Ang matulain at napakatatas managalog na si Chiz hindi alam kung sino ang Ama ng Wikang Filipino)

Maraming salamat po Kgg. Virgilio Almario sa pagkilala sa aming panulat. Huwag sana kayong manghinawa sa pag-alalay sa aming sektor para sa patuloy naming pag-aaral at pagpapahayag sa wikang Filipino.

Mabuhay po kayo, Chairman Almario!

Tesorero ng QC nanggipit ng foundation ng mga negosyante sibak sa gov’t service for life!

DAPAT maging aral sa mga opisyal ng gobyerno, sa lokal o nasyonal man, ang ginawang panggigipit (opresyon) ni Quezon City treasurer Edgar Villanueva sa Manila Seedling Bank Foundation Inc. (MSBFI) sa pamamagitan ng  pagpa-pataw ng buwis nang walang ginawang pagtatasa (assessment).

Ang MSBFI ay isang environmental non-government organization na binuo noong 1977 ni dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.

Noong Marcos administration, ang MSBFI ay isang semi-government organization dahil ito ay attached agency ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). 

Malaki ang naitulong ng MSBFI sa reforestation and plantation development, agro-forestry and tree farming, production of seedlings, vegetable seedlings, saplings and big trees, tree care and maintenance, pruning/balling and planting of trees, composting seed center, consultancy services and research activities.

Mismong si Ombudsman Conchita Morales-Carpio ang nagsabing inabuso ni Villanueva ang kanyang awtoridad nang ipataw niya ang buwis sa MSBFI.

Dahil sa walang basehang pagpapataw ni Villanueva ng buwis tuluyang nagsara ang MSBFI at ‘napalayas’ sa pitong-ektaryang solar sa kanto ng Quezon Avenue at EDSA sa Quezon City.

Sabi ni Morales, walang legal na rason para patawan ni Villanueva ng buwis o ibenta ang nasabing propriedad dahil iyon ay pag-aari ng National Housing Authority (NHA), na klarong exempted sa pagbabayad ng buwis dahil state-owned agency.

Mantakin ninyong padalhan ba naman ni Villanueva ng statement of delinquency ang MSBFI noong Mayo 2011 dahil umano sa kabiguang bayaran ang utang na buwis na nagkakahalaga ng P42.8 milyones?

Dahil sa isyung unpaid taxes pinalayas ng Quezon City government ang MSBFI, kinompiska ang nasabing solar at isinalang sa subasta.   

Pero sorry na lang si Villanueva dahil nasilip ng Ombudsman ang kanyang pang-aabuso at hinatulan siyang “guilty of oppression” sabay dismissed sa government service.

Tinanggal lahat ng Ombudsman ang kanyang retirement benefits, civil service eligibility, at habambuhay na pinagbawalang pumasok sa government service.

Sana ay maging aral ‘yan sa lahat ng government officials lalo na ‘yung ang layunin ay mamitsa sa ngalan ng panggigipit.

Ang tanong ngayon: Ilan pa kaya ang mga naging biktima ng panggigipit ni Villanueva sa Quezon city na natatakot lumitaw hanggang ngayon?!

Magpakita po kayo at sampahan pa ng kaso si Villanueva para maging aral sa maraming opisyal ng gobyerno na mahilig manggipit.

P.S. I-lifestyle check na rin ‘yan si Villanueva!

Congratulations Jerome & Irish!

Binabati po natin ang pagpasok nina Je-rome at Irish sa bagong yugto ng buhay ngayong araw, Pebrero 16.

Ang dalawa po ay mag-iisang dibdib sa kapil-ya ng Iglesia Ni Cristo sa Lokal ng Pasay nga-yong araw.

Sa inyo Jerome and irish, hangad ng inyong lingkod ang masaya, masagana, mabiyaya at mabungang pagsasama.

Sabi nga, para sa inyong habambuhay na pagsasama, ilagay sa sentro ng inyong relasyon ang Panginoong Diyos nang sa gayon ay mayroong namamagitang positibong enerhiya sa inyong dalawa.

Again, congratulations!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *