Monday , December 23 2024

Tesorero ng QC nanggipit ng foundation ng mga negosyante sibak sa gov’t service for life!

edgar villanueva qc treasurerDAPAT maging aral sa mga opisyal ng gobyerno, sa lokal o nasyonal man, ang ginawang panggigipit (opresyon) ni Quezon City treasurer Edgar Villanueva sa Manila Seedling Bank Foundation Inc. (MSBFI) sa pamamagitan ng  pagpapataw ng buwis nang walang ginawang pagtatasa (assessment).

Ang MSBFI ay isang environmental non-government organization na binuo noong 1977 ni dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.

Noong Marcos administration, ang MSBFI ay isang semi-government organization dahil ito ay attached agency ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). 

Malaki ang naitulong ng MSBFI sa reforestation and plantation development, agro-forestry and tree farming, production of seedlings, vegetable seedlings, saplings and big trees, tree care and maintenance, pruning/balling and planting of trees, composting seed center, consultancy services and research activities.

Mismong si Ombudsman Conchita Morales-Carpio ang nagsabing inabuso ni Villanueva ang kanyang awtoridad nang ipataw niya ang buwis sa MSBFI.

Dahil sa walang basehang pagpapataw ni Villanueva ng buwis tuluyang nagsara ang MSBFI at ‘napalayas’ sa pitong-ektaryang solar sa kanto ng Quezon Avenue at EDSA sa Quezon City.

Sabi ni Morales, walang legal na rason para patawan ni Villanueva ng buwis o ibenta ang nasabing propriedad dahil iyon ay pag-aari ng National Housing Authority (NHA), na klarong exempted sa pagbabayad ng buwis dahil state-owned agency.

Mantakin ninyong padalhan ba naman ni Villanueva ng statement of delinquency ang MSBFI noong Mayo 2011 dahil umano sa kabiguang bayaran ang utang na buwis na nagkakahalaga ng P42.8 milyones?

Dahil sa isyung unpaid taxes pinalayas ng Quezon City government ang MSBFI, kinompiska ang nasabing solar at isinalang sa subasta.   

Pero sorry na lang si Villanueva dahil nasilip ng Ombudsman ang kanyang pang-aabuso at hinatulan siyang “guilty of oppression” sabay dismissed sa government service.

Tinanggal lahat ng Ombudsman ang kanyang retirement benefits, civil service eligibility, at habambuhay na pinagbawalang pumasok sa government service.

Sana ay maging aral ‘yan sa lahat ng government officials lalo na ‘yung ang layunin ay mamitsa sa ngalan ng panggigipit.

Ang tanong ngayon: Ilan pa kaya ang mga naging biktima ng panggigipit ni Villanueva sa Quezon city na natatakot lumitaw hanggang ngayon?!

Magpakita po kayo at sampahan pa ng kaso si Villanueva para maging aral sa maraming opisyal ng gobyerno na mahilig manggipit.

P.S. I-lifestyle check na rin ‘yan si Villanueva!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *