Saturday , November 23 2024

Happy Valentine’s Day mga Kabulabog

ANG araw na ito, sabi nga ay isa sa mga kinakikiligan ng mga Pinoy — Valentine’s Day ba naman. Mapulang araw ito para sa lahat.

Sabihin na nating corny, pero sino man ang makatanggap ng kahit anong regalo sa araw na ito, tiyak na lulundag ang puso.

Chocnut man ‘yan o Ferrero Rocher, gumamela  o Ecuadorian roses tiyak pipitlag ang puso ng isang nililiyag.

At sa boys naman, simpleng cologne o panyo, kahit toothbrush at suklay siguro ang matanggap nila, ang importante, may nakaalala sa kanila.

Ganyan ang Valentine’s Day Pinoy style.

Pero tiyak, traffic sa gawi ng mga hotel at motel, mula pa noong Biyernes hanggang ngayong araw ng Linggo. Extended pa ‘yan hanggang sa natitirang araw ng Pebrero.

Ingat-ingat lang sa mga sumasabit at baka pagkatapos ng Valentine’s Day ‘e may sumibat o kaya naman ay may masibat.

Hik hik hik!

Anyway, ano man ang kalagayan ng inyong mga puso at puson, gusto lang namin kayong batiin — HAPPY HEART’S DAY sa inyong lahat.      

Fruit games libangan ng mga kabataan sa Parañaque City?!

ILANG operator ng ilegal na video karera at video fruit games ang tila hinahamon si Mayor Edwin Olivarez.

Ilang beses na kasing sinasabi ng Parañaque Mayor na ayaw niyang makokompromiso sa masasamang bisyo ang mga kabataan sa kanilang lungsod pero mukhang deadma lang ang mga ilegalista.

Ilan diyan ang mga ilegalista sa Tramo 1 at Tramo 2 na walang takot na nakalarga ang demonyong makina ng video karera at video fruit games.       

Sabi ng mga magulang, natuklasan nila na nagtitipid ng baon ang kanilang mga anak para may maipanlaro sa video karera fruit games.

At ano itong naririnig natin na pawang lespu ang protektor ng nasabing mga video karera at video fruit games machine?!

Parañaque police chief, S/Supt. Ariel Andrade, pakipasyalan naman ‘yung mga lespu ninyo riyan na nakatalaga sa Tramo 1 at Tramo 2!

Galaw-galaw, Kernel Andrade!

May Paihi Gang sa Parañaque?

MUKHANG nagkamali ng peperhuwisyohing lungsod ang PAIHI GANG.

Ilang jeepney drivers diyan sa Barangay San Dionisio ang iniulat na bumibili ng diesel gas sa Paihi gang.   

Diyan umano sa loteng kinatitirikan dati ng isang eskuwelahan pero giniba na at pinaupahan na lang para maging terminal ng mga jeepney.

Pero ngayon, hindi lang terminal ng jeepney. Araw at gabi umano ay nakikita ang mga hauling truck na 16-wheeler ng Nippon, Royal Majesty, at Remore na nagbebenta ng langis na diesel.

Halos araw-araw, mahigit 100 tig-6 liters na container ang ibinebenta. Isang alyas “O” umano ang umaangkat nito.

Again, ano ba ang ginagawa ng mga lespu ninyo KerneS/Supt. Ariel Andrade at mukhang smooth na smooth ang operation ng Paihi gang?!

Ano na ba talaga ang nangyayari sa area of responsibility (AOR) ninyo Kernel Andrade, mukhang masyado nang pamilyar ang mga ilegalista sa inyo at parang hindi na kayo sinasanto?!

Parang kabisadong-kabisado na nila kayo?!

Tingin ba ninyo Kernel ‘e, epektibo pa kayo riyan?!

Remember Sir, familiarity breeds contempt… wala ka bang balak magpalipat?!

Just asking lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *