Monday , December 23 2024

May digmaan ba Rep. Amado Bagatsing?

NAKAHAHAWA talaga ang tapang nitong si Digong Duterte.

Mantakin ninyong siyam na taon naging kinatawan ng Distrito 5 ng Maynila si congressman Tado ‘este’ Amado Bagatsing pero hindi natin narinig ang napakatapang na pahayag na “ALL OUT WAR” kontra ilegal na droga at iba pang kriminalidad.

Sabihin na nating congressman siya at hindi mayor o barangay chairman pero hindi man lang ba siya nakaisip ng ihahaing batas laban sa mga nagpapakalat ng ilegal na droga at gumagawa ng kung ano-anong kailegalan at pamamaslang?!

Nasa ilalim ng kanyang distrito ang Baseco na talamak sa patayan at proliferation ng ilegal na droga.

Sa loob ng siyam na taon na siya ang kinatawan ng Distrito na kinapapalooban ng Baseco, naisip man lang ba niyang makibahagi sa responsibilidad ng local government para sa katahimikan at kaayusan ng nasabing komunidad?!

Uulitin po natin, kahit minsan ay hindi natin narinig kay Bagatsing ang napakatapang na “ALL OUT WAR” kontra droga at iba pang uri ng kriminalidad.

Naging chairman rin siya ng House games & amusement committee pero may narinig ba tayo kay Bagatsing laban sa mga illegal na sugal sa Maynila sa nakaraang dalawang taon?

Madalas ko lang siyang makita na kahuntahan ang isang Eddie Kabayo diyan sa Resorts World. Laging masinsinan ang kanilang pag-uusap.

Ano ba ang pinamimitingan ninyo Ka Amado!?

Ang kampanya ngayon ni Bagatsing ay tila ‘echo’ ng mga nagawa na ni Mayor Alfredo Lim.

Libreng edukasyon at libreng serbisyo medikal?!

Matagal nang ginagawa ni Mayor Fred Lim ‘yan!

Wala ka bang bago? Iba naman!

Panis na ‘yan mga bantang “all out war!”

Wala naman giyera sa Maynila!?

By the way, nasagot na ba ni Bagatsing kung saan niya dinala ang milyon-milyong pork barrel noong siya ay nakaupong congressman?!

Mukhang ‘yan ang dapat pagkaabalahan ni Bagatsing, linawin niya kung saan napunta ang pork barrel na ipinagkatiwala sa kanya bilang Kinatawan ng Distrito 5 ng Maynila.

Dahil kung hindi maipapaliwanag ni Bagatsing ang kanyang pork barrel, tiyak na mayroon siyang kalalagyan!

Kaipokritohan ng politicians inupakan ni Cardinal Tagle

INSULTO at hindi kawanggawa ang ipinamamarali ng mga politiko tuwing ipinagyayabang nila ang pagtulong sa kapwa.

‘Yan ang tahasang sinabi ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa kanyang homily nitong nakaraang Ash Wednesday sa Manila Cathedral.

 Kaya nga aniya, sinabi ni Jesus, “Kung magbibigay  kayo ng limos, huwag ninyong ipagkakaingay.”

Ang gawang mabuti umano ay hindi dapat ipinagyayabang.

Aniya, ang ‘pagkakawanggawa’ na salungat sa tunay na kahulugan nito ay gaya ng ‘pagkikiskis ng asin sa isang sugat.”

Imbes pamamarali ng limos o kakarampot na kawanggawa, mas maigi umano na pagtuunan ng pansin ng mga politiko ang talamak na kahirapan at patuloy na nasasalantang kapaligiran.           

“There will be a lot of charity work in the days to come but how many will be true service? Or these may just be self-promotion,” pahayag ni Cardinal Tagle.

Napapanahon ang pahayag na ito ni Cardinal Tagle lalo ngayong panahon ng Kuwaresma.

Sana lang ay magkaroon nga ng tunay na diwa ng pagtitika at sakripisyo ang mga politiko ngayong panahon ng Kuwaresma.

Sino si Bijem Lesaca “Escort Boy” sa BI-NAIA T3!?

Sino raw ang isang BIGTIME ‘este’ BIJEM LESACA na madalas pakalat-kalat sa NAIA terminal 3 at nakikitang umaali-aligid sa mga pasahero lalo na ‘yung mga nabibigyan ng order to leave na foreigners?

Ano ba talaga ang papel niya sa Bureau of Immigration-NAIA!?

Balitang siya ay dating utility boy diyan sa nasabing airport pero imbes maglinis ng opisina at maging errand boy ay naging regular escort daw ng mga nakatimbreng pasahero?!

Sonabagan!!!

Kasuwerte naman ng hinayupak na hao-shiao!

Sino naman kaya ang handler ng kumag na pumopormang Immigration Officer?!

Alam mo ba ‘yan, Mr. Rico ‘federation’ Pedrealba at Mr. Charlie Bautista!?

Siyento por siyento na si blowjob ‘este’ Bijem Lesaca ay pakawala ng ilang mga kapalmuks na empleyado ng Immigration di-yan sa NAIA T-3 para maging front sa mga escorting activities nila.

Ang balita pa nga, dahil batikang escort boy raw ang kumag, ‘e makikita raw na pumapasok sa airport na paiba-iba pa ang gamit na sasakyan?!

Aba, walastik! Kaya naman pala sinasabing bigtime escort…

Makikita raw na madalas maglabas-pasok sa opisina ng Immigration si bigtime Bijem kaya may mga nagtatanong kung totoong empleyado raw siya o isang dakilang amuyong lang na malakas kumita sa airport?

BI Commissioner Ronaldo Geron, baka po gusto ninyong paimbestigahan at sampolan si Bijem Lesaca kung may legal personality ba siya sa airport o isang Immigration hao shiao?

Mukhang malamya ‘ata ang hepe ninyo riyan sa NAIA, Comm. Geron?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *