Friday , May 9 2025

Overhaul sa poll preps ‘di pa kailangan

NILINAW ng Comelec na hindi pa kailangan i-overhaul ang buong election preparation dahil sa ilang problema sa source code at ballot printing.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, lubhang mabigat kung gagawin ang overhaul.

Masyado aniyang malaki ang salitang ito para isalarawan ang simpleng pagsasaayos ng ilang aberya.

Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez, kakayanin sa ‘fine tuning’ ang kanilang mga natuklasang problema.

“Not overhaul, but fine tuning. We have a good structure in place and we want to make sure it works,” wika ni Jimenez.

Katunayan, ginagawa na ito at inaasahang makahahabol sa kanilang timetable sa susunod na mga linggo.

Kabilang sa iwinawasto ang ilang isyu sa canvassing consolidation system (CCS) at vote counting machines (VCM).

About Hataw News Team

Check Also

Abby Binay Nancy Binay

Abby Binay ‘much better’ matalo sa Senado kaysa manalo si Nancy sa Makati

TILA ‘much better’ pa kay Mayor Abby Binay na matalo sa Senado at mabigong makapasok …

ACT-CIS Partylist

ACT-CIS Partylist nakapaghatid ng mahigit P1.4-B serbisyo sa 300k plus Filipino sa isang taon

BILANG patunay ng matibay na adbokasiyang mailapit ang serbisyo publiko sa mamamayan, matagumpay na naipamahagi …

Erwin Tulfo

Sa pinakabagong SWS survey
ERWIN TULFO, CONSISTENT FRONTRUNNER SA SENADO

ILANG araw bago ang eleksiyon sa Lunes, 12 Mayo, patuloy na nangunguna sa karera sa …

050925 Hataw Frontpage

Habemus Papam

HATAW News Team HINIRANG na ang bagong Santo Papa ng Simbahang Katoliko. Kahapon, 8 Mayo …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *