Saturday , November 23 2024

Karapatan ng taga-Pasay, Ipaglalaban ni Noel “Onie” Bayona

THREE months to go ay election na.

Karamihan sa mga dating kandidato ay muling lumahok sa political exercises para sa May 9, national at local elections. May incumbent, may talunan at may bagito.

Sa darating na halalan, dapat nating salain sa ating isipan kung sino sa mga kandidatong politiko sa inyong distrito, probinsiya, munsipalidad o lungsod ang dapat  ninyong isulat sa balota. Itakwil ang politikong walang malasakit sa bayan, nagnanakaw at nagpapayaman.

* * *

Ang Tunay na anak ng Malibay

FIRST time na sinubukan ni Bayona na kumandidatong konsehal sa 2nd district ng Pasay City noong year 2004. Sa unang pagsabak niya sa politika ay nagwagi siyang ‘legal na elected’ na konsehal upang marating niya ang bulwagan ng Sangguniang Panglungsod ng Pasay.

Ang pagiging konsehal niya ay nasundan pa ng isang termino. Siya at ang anak niyang si Brian Bayona ay kapwa nagwagi sa local na halalan sa Pasay. Iyan ay sa panahon na si Atty. Peewee Trinidad ang nanunungkulang alkalde sa lungsod.

Sa panahon na nanunungkulang konsehal si Bayona, always perfect ang kanyang attendance sa konseho at sa committee hearings.

Masasabing may kakayahan, karanasan na ang tinaguring “Anak ng Malibay.”

Si Bayona at ang kanyang anak na si Brian ang nagtaguyod ng Anti-Dengue Misting sa iba’t ibang barangay sa Pasay sa panahon na naghahasik ng sindak ang sakit na dengue. Madalas din silang tumutulong sa mga naging biktima ng kalamidad, sunog at sa bagyo.

Si Bayona rin ang naging dahilan kung bakit tumino ang peace and order sa ibang lugar sa Pasay. Nahadlangan kasi niya noon ang krimen-holdapan nang maglagay siya ng regular na police precinct at ilawan ang tatlong magkakahiwalay na overpass sa EDSA, ang overpass sa Cabrera, Malibay, Rodriguez. Marami rin siyang naipakulong na holdaper, pushers o tulak ng illegal drugs.

* * *

“Karapatan mo, ipaglalaban ko!”

MULING naisipan ni Onie Bayona na kumandidatong konsehal sa ikalawang distrito ng Pasay sa ticket ng Binay Team.

Kung muli siyang mahahalal na konsehal, ibabalik niya sa taga-Pasay ang naumpisahan na niyang serbisyo publiko. Uunahin niyang patatagin ang Peace and Order sa lungsod para manumbalik ang tiwala ng mga mamamayan sa pulisya at sa local government.

Malawak ang kaalaman ni Bayona sa paghawak sa peace and order dahil isa siyang dating pulis. Ilang taon din siyang naglingkod bilang organic ng Philippine National Police (PNP) sa Pasay City Police Station.

Sa panahon na siya ay nasa PNP at naka-assign sa Special Action Force (SAF-PNP), Anti-Drugs Unit, umani siya ng iba’t ibang uri ng awards, citations at medalya. Ginawaran din siya ng RoboCop award para sa NCR. Iyan ay dahil sa kanyang dedikasyon sa trabaho sa panahon na siya ay tagapagpatupad ng batas.

Wala pang halalan ay nagwagi na si Bayona sa katauhan ng kanyang anak na lalaki. Licensed Architect o board passer na si Brian Bayona.

Si Brian ay graduate sa Mapua sa Intramuros, Manila.

Sino pa ang inyong iaangat sa May 2016? Go, go, Onie Bayona!!!

About Johnny Balani

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *